Nanami Yoshino (Katana Light) Naka-lockdown ang buong Sydney, Australia. Pero dahil sa koneksyon ni Karina ay hindi naging mahirap para kina Leishen at Ryuu na makapasok sa syudad at sumunod sa amin. Pero hindi naging madali ang pakikipagkita nila sa amin dahil ayon kay Leishen ay napapaligiran na ng kalaban ang buong syudad. Maliban pa doon, nalaman din namin mula sa system ni Leishen na ang mga zombies na nagkalat ngayon sa buong syudad ay kayang kontrolin ng kung sino mang namumuno sa mga kalaban. Kaya lalong hindi magiging madali para sa amin ang pagharap sa mga kalaban lalo na sa gabi dahil nakikita din naman nila ang mga kilos at kinalalagyan namin. Maliban pa doon, kahit pa sabihin na natutulog ang mga zombie sa umaga at hindi pa din kami makakaligtas sa mga upahang tauhan ng k

