Nanami Yoshino (Katana Light) “Ano ba ang rason ang gusto mong makita sa akin nang sa gayon ay magtiwala ka sa lahat ng desisyon na gagawin ko sa mga susunod na misyong hahawakan ng grupo natin?” tanong niya sa akin at diretsong tumingin sa mga mata ko. At alam kong sa ganitong tingin niya ay hindi siya magdadalawang-isip na sagutin ng tapat ang lahat ng itatanong ko sa kanya nang sa gayon ay matapos na ang problema niya sa akin. “Tell me, Katana,” aniya. “What do you need to see?” “Your heart for the people that you will save.” Tumaas ang kilay niya pagkuwa’y itinapat ang kamay niya sa mukha ko nang akma pa akong magsasalita. “Wait lang, huh.” Kumunot ang noo ko. Medyo kakaiba kasi ang naging reaksyon niya matapos kong sabihin kung ano ba ang kailangan ko sa kanya. “Iniisip mo ba n

