Nanami Yoshino (Umi Weiya) "What are you doing here?" gulat na bungad sa akin ni Ashen nang makita niya ako sa pintuan ng training field na ginagamit niya. "I thought…" Siya na mismo tumigil sa pagsasalita pagkuwa'y tinaasan ako ng kilay. "You are not Katana." "Took so long for you to notice." Inirapan ko siya tsaka hinawakan ang braso niya pagkuwa'y hinila siya. "Let's go. I need you to do something." "What?" Hindi naman siya nakapalag kahit pa bakas sa mukha niya ang pagtutol na sumama sa akin. Mahigpit din kasi ang hawak ko sa kanya kaya wala talaga siyang ibang choice kundi ang sumunod sa akin. "Naiintindihan mo naman siguro ang sitwasyon namin ni Katana, hindi ba?" sabi niya. "You are not supposed to be near me. It will only–" "Oh shut up!" singhal ko sa kanya. "Katana is not aw

