Chapter 16 Bad romance, rawr rawr Peay Madrid "O? Mukha kang pinagtaksilan diyan kaibigan? Anyare? Huy!" Nakailang shot pa ako ng alak bago ko siya tinapunan ng tingin. "Hindi ako mentally prepared Janna." "Matagal ka ng mental. Ano ba! Huy, puro ka naman tungga diyan e." "Nasa bar tayo, ano gusto mong gawin ko? Kumain ng binata?" Tumawa siya. "Ay, sa lahat ng suggestion mo diyan ako natuwa." "Kawawa boyfriend mo. Ikaw pa ang pinatulan." Uminom ako ulit... Alam mo iyon. Nasa state of happiness ka na kasi, kahit papaano ay kinikilig na ako roon sa tao. I don't assume, but I saw a glimpse of light e. Nakakita ako ng pagasa na akala ko, pwede ko ng kapitan. Ganoon ba kababa yung tingin nila sa akin? Mukha ba akong madaling maloko? Paasahin? Bigyan ng sweetness, pakikiligin tapos lol

