'Kuya doon tayo,' anang batang babae. 'Hintayin mo kami, Jessie,' ani Niño. 'Gusto ko po maikot pa natin ang buong carnival," anang batang babae. 'Hindi ka pa pagod?' tanong ni Jude. 'Hindi pa po. Basta hindi nyo ako iiwan,' anang bata. Nagpalit ang scenario sa digmaan. 'Kuya, Kuya huwag nyo akong iwan. Natatakot po ako,' ani Jessie. 'Huwag kang matatakot. Magkikita tayong muli. Kailangan muna nating maghiwalay pero tandaan mo na tuwing natatakot ka isipin mo na nasa tabi mo lang kami,' ani Ricky na ngumiti at pinahid ang luha ni Jessie. "Ricky! Ricky!" tawag ni Drew. Nahimasmasan si Ricky. Nakita nya ang sarili na tinitingnan ni Drew at nang prof nila. Nasa classroom sila noon. "Are you ok?" tanong ng prof. "A-ano pong nangyari?" tanong ni Ricky

