Kinabukasan nagduty muli ang dalawa sa shop at noong tanghalian sa kusina sila nang shop kumain. Habang kumakain ang dalawa sa counter ay nagtanong si Ricky kay Nana Marta. "Nana, dumaan po ba si Jude dito?" tanong ni Drew. "Hindi. Ang pagkakatanda ko ay wala syang schedule ngayon sa school nya," pag-alala ni Nana Marta, "Napakabait na bata nyan, kapag wala masyadong ginagawa iyan ay tumutulong sya sakin dito sa kusina. Sayang nga at nagluto ako ng custard cake ngayon." "Matagal nyo na pong kilala si Jude?" tanong ni Ricky. "Mga walong buwan na ata. Isinama yan ni JP dito noon para ipakilala sa amin noong magsimula syang mag-aral sa University," isip ni Nana Marta. "JP?" tanong ni Drew. "Si Captain Alexi yun," bulong ni Ricky kay Drew. "Ahhh," napatanong wika ni Dr

