Kinahapunan nagpaalam sina Mike at Drew sa shop. "Walang mabigat na gagawin," bilin ni Drew. "Yes Sir," ani Ricky na pabirong sumaludo. Paglabas ng dalawa ay nanood si Ricky ng TV. Pagkaraan ng ilang minuto ay naisip nyang maglinis ng bahay. Hindi ni Ricky inaasahan na babalik kaagad si Mike. "Anong sa palagay mo ang ginagawa mo, bro?" tanong ni Mike na nakataas ang kilay. "Naglilinis ng bahay. Nababagot kasi ako. Wala akong magawa," katwiran ni Ricky. "Tsk. Wala ngang mabigat na gawain. Sumama ka na nga sa akin sa baba," ani Mike. Bumaba sina Mike, at Ricky sa shop. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Bonnie na nagulat. "Tutulong po," sagot ni Ricky habang nagsusuot ng apron. "Kailangan mo pang magpahinga baka mabinat ka na naman," saway ni Bonnie.

