Kinagabihan, nagpaalam sina Ricky, Mike at Drew gamit ang alibi nila. Pagdating sa area kung saan nagbukas ang portal ay maingat silang pumasok para hindi sila masundan o makita. Paglabas nila sa Situ District ay kaagad tinawag ni Ricky si Fido. Lumabas ang wolf. "Ano pong maipaglilingkod ko, Kamahalan?" tanong ni Fido. "Dalhin mo kami sa hornet's nests," utos ni Ricky. Sumunod si Fido at dinala sila sa isang kweba kung saan naroon ang gamit nila. Kaagad nagbihis ang tatlo ng kanilang commando outfit at inayos ang gamit nila. "Drew, gaano kalayo dito ang choke point?" tanong ni Ricky habang sineset-up ang earpiece niya. Tumipa si Drew sa relo nya at tiningnan ang coordinates nila. "Five kilometers sa kanluran. We are ahead of schedule pero kailangan na nating kumilo

