Cleopatra of GOLDEN COBRA g**g

3012 Words
[Jarvis]   “Sh*t! Saan ba nagpunta  ’yung  babae na iyon?” aburido  na sambit ko.   Kumalat na sa campus ang picture namin ni Bella, buti na lang hindi nakita ang mukha niya doon. Gusto ko siyang kausapin para magbigay ng babala dahil sa pagsubok na maaari niyang kaharapin, na hindi naman  talaga nararapat.  Paikot-ikot ako sa living room ng headquartes naming, nag-iisip kung paano ko sasabihin ’yun kay Bella.   “Emp!”   Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko si Rain na nasa pintuan kasama ang iba pang miyembro ng aking g**g, papunta sila sa direksyon ko.   Kumunot ang noo ka. “Why?”   “Nakita mo ba si Jace?” tanong ni Rain.   Umiling ako bilang sagot.   “Ang alam ko’y rito kami magkikita, bakit wala pa siya?” tanong ni Fuji.   Umiling ako. “Hindi ko pa siya nakikita mula pa kanina.”   “Saan kaya nagpunta ang babae na iyon?” napapa-isip na tanong ni Nathe.   Nagkibit balikat lamang ako. Maya-maya’y tumunog ang aking cell phone, nakita kong tumatawag si Jace.   “Hello?”   “Emp, pumunta kayo ngayon din dito sa Hard Rock Bar.”   “Ano na naman  ang pakulo na iyan Jace? Ipapakilala mo na naman kami sa mga babae mo?   “Jeez! Hindi! Paano, si Alyana kasi...” Nariringgan ko sa kanyang boses ang pag aalala.   “Oh, anong ginawa sayo ni Cleopatra? Ni-r**e ka ba? Okay lang ‘yan!” pang aasar ko sa kanya.   “Gag*! Pumunta  na kayo dito para pigilan si Cleopatra dahil mapapahamak si Bella,” malakas na sigaw niya.   “What? Anong ginagawa ni nerd diyan?” galit na tanong ko sa kanya.   “Hinamon siya ni Alyana—.” Hindi ko na siya pinatapos at minura ko siya ng malakas.    “I will kill you, Jace!” At in-off ko na aking cellphone...     [Bella]   Nang hinubad  ni  Alyana ang jacket niya nagulat ako nang makita ko sa kanang braso niya ang Golden Snake Bangle.   Sh*t! Bakit siya pa? Ibig sabihin, ang makakaharap  ko ay si Alyana na kilala bilang Cleopatra na leader ng Golden Cobra g**g. Bumaling ang tingin niya sa akin.   “F*ckingSh*t!” Lalo akong napamura nang makita kong ngumiti siya.   Kilala ko si Cleopatra, kapag ganun ang ngiti nito, malamang na may maitim itong binabalak. Naalala ko noon, pumunta siya sa Japan para lang daw talunin ako.   Natawa pa nga ako sa sinabi niya, hinamon din niya ako mag- race ng motorbike. Hindi na ako tumanggi dahil sanay na ako na may humahamon sa akin mapababae man o lalaki.   Kailangan ko  maging  alisto. Sigurado  ako,  hindi  magiging ordinaryong race ang mangyayari.     [Alyana]   Naghahanda na kami ni Nerd para sa aming karera. Nilapitan ko ang isang miyembro ko dahil may sasabihin ako. Napatingin si Nerd sa akin.   “Galingan mo ha?” nakangising sambit ko. Bukod sa pagiging modelo ko, hobby ko ang motor racing kaya rito ko hinamon si Nerd.   “Sana’y kayanin ito ng Mickey Mouse na t-shirt mo,” pahabol ko pa.   Pinagplanuhan namin ang aming magiging ruta. Madilim ang kalsada at puro talahib ang aming dadaanan. Dadaan din kami sa national highway na mas delikado dahil sa mga mabibilis na sasakyan.   Agad na pumunta  ang ibang tao sa finish line para makita kung sino ang mananalo. Nagpaandar na kami ng aming mga motorsiklo at isinuot ang aming helmet.   3   2   1   Go!   Pareho kaming mabilis, halos hindi nagkakalayo ang distansya naming dalawa. Kung anong galing ko sa motor racing ay halos natumbasan ito ni Bella.   Madilim ang kalsadang tinatahak  namin  ngayon at tanging headlight lang ng aming motor ang nagbibigay ng liwanag sa aming daraanan.   Bigla akong lumiko. Huminto ako at kinuha ang aking cell phone. “One minute.”     [Bella]   Malayo na ako kay Alyana, nanggigigil ako kaya sobrang bilis ng aking takbo. Mula 90km/h ay umaabot na ako ng 170km/h. Malapit na ako sa 180km/h kaso nasinag ako sa isang liwanag. Isang  kotse na mabilis din ang takbo at mukhang sasalubong sa akin. Sinubukan kong bagalan ang aking takbo pero huli na ang lahat.   “Ahhhhhh!” Pinalipad ko ang aking motor.   Pagbagsak ko’y agad akong tumayo. Pinuntahan ko ang driver. Sinapak ko siya, tinanong ko kung sino ang nag-utos sa kanya at saka ko siya inihagis palabas. Kaagad namang kumaripas ito ng takbo palayo sa akin.   Galit ako dahil muntik  na akong mapahamak. Pinaandar  ko ang kotse at iniharang ito sa daan. Hinintay kong dumating si Alyana. Napangiti ako nang makita ko si Alyanasa sa heavily tinted na wind shield, napangisi pa siya nang makitang nakahiga ang motor  kong ginamit sa kalsada.   Lumapit siya sa sasakyan at kinatok ang bintana. Binaba ko dahan-dahan ang bintana. Nakangisi siya. “Magaling. Magaling.” Tuwang-tuwa siya. Pero natawa ako sa reaksyon niya ngayong naibaba ko na ng buo ang bintana. Halos malukot ang mukha niya sa inis. Binelatan ko siya sabay tawa.   Binuksan ko ang pinto at lumabas na ako ng kotse. Pinuntahan at itinayo ko ang motor ni Jace. Sandali kong inayos ang sarili ko at saka sumakay ng motor. Pinatakbo ko ulit ito ng matulin. Iniwan ko na si Alyana na nasa gilid pa rin ng sasakyan at hinahabol ako ng masamang tingin.   Nakarating  na  ako  sa highway, hindi  ganoong  karami  ang sasakyang dumadaan dito. Yung mangilan-ngilan na dumadaan ay sobrang bibilis ng takbo. Nagulat na lang ako nang ginitgit ako ng dalawang sasakyan.   Pilit  ko  itong  iniwasan  ngunit  ang  mga  ito’y  palapit  nang palapit sa akin. Parang nananadya.  Maiipit na ako, talagang ginigitgit nila ako. Bumuwelo pa ang dalawang sasakyan at saka akmang babanggain na nila ako pero bigla akong nagpreno. Nagkabungguan ang dalawang sasakyan at nalampasan na rin ako ni Alyana. Pinilit ko siyang habulin pero sobrang bilis niya. Kumunot  na lang ang noo ko nang lumiko siya sa halip na dumiretso.   Malapit na ang finish line, bakit kaya siya lumiko? Mukhang may ibang plano na naman si Alyana,   Malapit na ako sa dulo. Malapit na malapit na. Pero sh*t! Ano itong nakikita ko? Bakit... bakit putol ang tulay sa gitna. Natanaw ko si Alyana sa ilalim habang tumatawid. Pagkatawid ng tulay ay halos finish line na. Abot-tanaw ko ang mga taong naghihintay sa finish line, at nandun si Jace, na halatang nawalan na ng pag- asa.   “Sh*t! No choice... kailangan kong manalo.”   Umatras  ako, bumwelo at saka pinaandar  nang  mabilis ang motor ko. Pinalipad ko ang motorsiklo ni Jace. Natulala ang mga tao sa ginawa ko. Para akong isang stuntwoman sa Heel Clicker dahil ’yung  mga ganung klase ng tricks ay ginagawa lamang ng mga PRO-motocross riders. Suave akong lumanding lupa. Rinig na rinig ko ang hiyawan ng mga tao na para bang isang orchestra sa tenga ko. Ngayon ko na lang ulit ito naramdaman, ang ganitong feeling na sobrang saya. Napatingin ako sa mga taong nakapalibot sa akin.   “Nanalo ba ako?”   Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao. “Ang galing mo Bella”   “Idol na kita”   Napatingin ako kay Jace na naka thumbs up sa akin at sabay sabing   “Congratulations!”     [Alyana]   Nang makababa si Bella sa motorbike niya, pinuntahan niya si Jace at nag-apir silang dalawa. Naningkit ang aking mga mata sa aking nakikita. B*tch!   Sa totoo lang, gulat na gulat akong makita ang ginawa ni Nerd kanina. Yung trick na ’yun, ’yun ang heel clicker. Sa sobrang gulat ko ay napangangana lamang ako. Isang tao lang ang pwedeng gumawa noon. Isang tao na hinding-hindi  ko makakalimutan dahil sa taong iyon ko unang nalasap ang pagkatalo.   “Black Butterfly?”   Natawa ako sa aking naisip. Imposible! Malayong mangyari na siya ang legendary g**g leader ng Japan. Napatigil ako sa pag-iisip nang may marinig akong ingay at kung hindi  ako nagkakamali, ito’y   maaring tunog ng isang motorsiklo— ng maraming motorsiklo. Napatingin kaming lahat sa mga bagong dating— ang Black Dragon g**g.   Bakit nandito sina Emp?   “Kyaaah!   “Oh my God si Emp ’yan ’di ba?”   “Sh*t! Ang gwapo nila.”   Agad na bumaba si Emp. “Ano’ng kaguluhan ito?” tanong niya habang nakatingin kay Bella at Jace.   “I’m   surprised   na   napadalaw  ka  Emp   sa  teritoryo   ko,” nakangiting sabi ko.   Tinignan niya ako.“Cleopatra.”   “Kailan mo ba babawasan ang pagiging agresibo mo?” seryosong tanong niya sa akin na ikinasimangot ko.   “At ikaw naman Nerd, bakit bigla-bigla kang umalis?” galit na tanong niya kay Bella.   “Do you know her?”   “Yes, she is my girlfriend,” walang gatol na sagot niya sa akin na halatang ikinabigla ni Nerd.   Wait! Ang sabi ni Jace ay girlfriend niya si Bella, tapos ang sabi naman  ni Emp ay girlfriend niya rin ito. Naguluhan ako sa nangyayari.   “Girlfriend?” mahinang bulong ko.   Magsasalita sana si Emp pero agad na tinakpan ni Bella ang bibig nito.   “Ha! Ha! Ha! Huwag ka ngang magbiro ng ganyan Mr. Fortalejo.” Pilit ang tawa niya.   Tinangggal ni Emp ang kamay ni Bella sa bibig niya. “You think I’m joking?” seryosong tanong niya.   Hindi umimik si Bella. Tama! Hindi marunong magbiro si Emp sa ganitong  seryosong usapan.  Ang hindi  ko matanggap  ay napaniwala nila ako na may relasyon sila ni Jace.   Masama kong  tinignan  si Jace. “Ano’ng  kalokohan  ito, Jace Monteverde!”   “Kanina pa kita pinipigilan Alyana, ayaw mong makinig sa akin,” mahinahong sabi niya.   Damn! Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Bella. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Sumang-ayon si Bella sa sinabi ni Jace. Seryoso na napapailing si Emp sa akin.   Seryoso na napapailing si Emp sa akin. “Mind over matters of the heart, Cleopatra.” Hinawakan na niya ang kamay ni Bella. “Umalis na tayo.” Sumunod  naman  ang ibang miyembro ng Black Dragon g**g sa kanila.   Tiningnan ko sila paalis, napangiti ako nang marealize ko na siya siguro ang sikat na babae na kasama ni Emp sa picture na nasa bulletin board. Hindi rin naman  pala nasayang ang paglalaban namin ni Nerd.   “Emp!” malakas na tawag ko sa kanya na ikinalingon nilang lahat.   “One down,” nakangiting sabi ko na ikinasalubong naman ng kanyang kilay.   Hindi na ako nagpaliwanag at tiningnan ko si Bella ng seryoso.   “I admit, magaling ka, ito ang ikalawa kong pagkatalo at ang heel clicker na ginawa mo...” tumigil ako sa pagsasalita at napangiti nang maalala ko siya.   “Isang babae pa lang ang nakita kong nakagawa niyon.” “Sino?” tanong ni Nerd sa akin. Natigilan ako bigla at napatingin kay Emp.   “Kalimutan mo na ang sinabi ko, isa lang siyang alaala sa una kong pagkatalo. By the way, congrats and I ended up as a loser,” nakangiting sabi ko.   “Expect for the worst, Bella.” At tinalikuran ko na sila.     [Bella]   Expect for the worst?   Ano  ang  ibig niyang  sabihin  doon?  Kahit  ulit-ulitin  kong bigkasin ang sinabi ni Alyana sa utak ko, isa lang ang naiisip ko, parang binabalaan niya ako.Tiningnan ko si Emp nang matiim.   “What?”   Tinanggal ko ang kamay ni Emp sa kamay ko. “Okay na. Thank you.” Nakangiting sabi ko sa kanya.Nagtataka ako sa kanya kung bakit niya ipinangangalandakan na girlfriend niya ako sa lahat.   “May alam ka ba doon sa sinasabi ni Alyana?”   Nagkibit-balikat lamang siya. “Bakit agad kang umalis kanina?” “Sino naman ang matutuwa sa ginawa mo kanina?”   “Ehem!”   Sabay kaming lumingon ni Emp sa aming narinig. Hindi maalis ang ngiti nila sa kani-kanilang labi.   “Kayo ba?” tanong ni Nathe.   “Kailan pa?” nakangiting tanong ni Jace. “Paano?” kunot noong tanong ni Fuji.   Nagkatinginan  kami  ni  Jarvis at  sabay na  nagkibit  balikat lamang.   “Tara!”   “Saan tayo pupunta?” kunot noong tanong ko sa kanya. “Babalik sa Hard Rock Bar,” nakangiting sambit ni Jace. “Why?”   “I-enjoy natin ang gabi. Mag-celebrate tayo sa pagkapanalo mo. Astig ka Bella!” masayang sabi ni Jace na inakbayan ako.   “Eh. May pasok pa kaya bukas.” “Minsan lang naman, tara na!”   Napatango  na  lamang ako, bago kami maglakad ni Jace ay tinanggal muna  ni  Jarvis ang  kamay ni  Jace sa balikat ko. Tiningnan pa niya nang masama ito.   Kitang-kita ko na tuwang-tuwa na nanonood sina Rain, Trace, Fuji, Nathe, at Jace sa ginawa niya.       Hard Rock Bar   Tawanan dito, tawanan doon. Nagpakasaya silang lahat. Nag- excuse ako sa kanila para pumunta ng comfort room.   Pagbalik ko sa VIP room ay nakita ko na seryoso silang nag-uusap.   “Emp, kailan pa?” seryosong tanong ni Trace. “Nakalimutan mo na ba siya?”   Ang ex-girlfriend kaya ni Jarvis ang tinutukoy niya?   Nagbago ang reaksyon ni Jarvis sa tanong ni Trace. “Huwag na huwag mo nang babanggitin uli ang tungkol diyan, kundi, kakalimutan ko na kaibigan kita.”   “Ginagawa mong panakip butas ang Nerd na iyon? Wag mong idamay ang walang malay Emp—” Bigla siyang sinuntok  ni Jarvis.   Napatigil  ang  lahat  sa  ginagawa nila  at  napatingin  sila sa direksiyon ng Black Dragon g**g. Nagulat si Trace sa ginawa ni Jarvis at sapo nito ang nasaktang panga. Lumapit sa kanya si Rain. “Ano nangyari?”   Tumayo si Trace na inalalayan naman ni Fuji. “Galit ka? Bakit? Ibig sabihin totoo ang hinala ko.”   Susuntukin sana siya ulit ni Jarvis pero biglang umawat ang iba pang mga kaibigan nila. “Huwag na huwag mong ipapaalala sakin ang babaeng iyon!” galit na bulyaw niya sa kanila.   “Mahal mo ba si Bella?”   “Mahal?” wala sa sariling sambit ko.   “Trace, hindi ba parang masyado pang maaga para sa salitang mahal? Kakakilala lang nila ni Emp,” sabi ni Fuji.   Napatingin ako sa kanila, seryoso ang kanilang mga mukha. “Hindi ko siya mahal,” matigas na tanggi ni Emp. “I need her, that’s all!”   Napahawak ako bigla sa dibdib  ko. Bakit nakaramdam  ako ng  kirot?  Oo,  tama  siya. Kailangan niya  lang  ako  para  sa pagpapanggap. Pero bakit ako nasasaktan?   Tinapik ni Jace si Jarvis. “Ayos lang yan, pare.” Mukhang okay na sila kaya lumapit na ako sa kanila.   “Okay lang kayo?” pangangamusta ko sa kanila.   “Oo naman,” sabay-sabay na sabi nila maliban kay Trace at Jarvis.   “Your turn, Bella.” Iniabot sa akin ni Jace ang alak.   “What?” gulat na tanong ko. “Teka! Masarap ba ’yan?”   “Siyempre, just try it and you’ll know,” sabay kindat ni Jace.   Tinitigan  ko ang isang basong malaki na  punong  puno  ng alak. Inaamoy-amoy ko pa ito. Napatingin ako sa isang sulok kung saan nakaupo si Trace. Nakatingin siya sa direksyon ko at napailing siya akin. Nakita siguro niya na inaamoy ko ’yung baso na ibinigay sa akin ni Jace.   Ininom ko ’yun lahat. Bottoms up. Nagulat sila sa ginawa ko. “Bella—.”   Maya-maya, biglang gumalaw ang sahig. Umiikot ang paligid. Tinatanong pa ako ni Jarvis kung ayos lang ako, hindi ko alam kung nasagot ko pa siya. Basta bigla na lang dumilim ang lahat.     [Jarvis]   Bumagsak si Nerd sa aking mga bisig. Nabigla ako sa ginawa niya, hindi pala siya sanay uminom. Sana sinabi niya sa amin. Inihiga ko siya dahan-dahan sa couch.   “Emp, okay lang ba siya?” tanong ni Nathe.   Tumango lamang ako. Tinanggal ko ang salamin niya sa kanyang mga mata, tinitigan ko siya, napakaamo ng kanyang mukha at ang mga labi niya ay parang nang-aakit na halikan ko ito. Hindi ko siya mahal, pero hindi ibig sabihin niyon na hindi ko siya gusto. Ibang iba si Bella sa mga babaeng nakilala ko noon. She makes me smile. She gives me happiness.   “Kanina Emp, may nakita akong lalaki na nakamasid sa inyo ni Bella at ’di ko alam kung kakampi ba natin ’yun o kaaway. Nalaman na siguro ng ibang gangs na may bago kang girlfriend. Pinaghahanap pa rin namin kung sino ang nagdikit ng picture sa bulletin board. Ang ikinakabahala namin ay ang mga pagsubok, Jarvis, ” nag-aalalang sabi ni Fuji.   Napaisip ako sa sinabi ni Fuji. “Magbibigay ako ng order na hindi ko siya girlfriend.”   “Huwag mong lokohin ang mga g**g leaders, Jarvis. Nakita mo naman siguro ang picture niyo sa bulletin? Ibang-iba ka doon, Emp.”   Dahil totoo ang mga emosyon na pinakita ko nang panahon na nakasama ko si Bella.   “Tinanong kita kung mahal mo siya. Bakit? Kasi kung ’di mo siya mahal, huwag mo nang pahirapan ang babae na iyan lalo na’t ’di naman siya ang magiging Queen mo. Alam mo naman ang consequences kapag may girlfriend ka, lalo na pagdating sa kaaway mo,” paalala ni Trace.   Nakatitig lamang ako kay Bella. “I will protect her para hindi siya mapahamak, lalo na sa mga kaaway ko.”   “Tandaan  mo,  Jarvis, sa ginawa ni  Selena sa iyo, hindi  ka na bibigyan ng chance ng ibang gangs para saluhin mo ang pagsubok para sa bagong girlfriend mo.” Tinapik siya nito sa balikat   Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.   “Ang mabuti pa, ihatid mo na si Bella sa kanila,” sabi ni Nathe. Tumango ako.  Hiniram ko muna ang kotse ni Jace. Isinakay ko sa back seat ang wala pa ring malay na si Bella. Hindi ko maaaring  gamitin  ang  motorbike  ko. Mabuti  na  lamang  at nandito pa rin ang sasakyan ng mokong iyon. Bigla kong naisip, saan ko ihahatid si Bella? Wala na akong ibang choice kaya dinala ko na lamang siya sa headquarters ng RDU.   Binuhat ko siya patungo sa silid ko, inihiga ko siya sa aking kama. Muli kong sinulyapan si Bella na natutulog, inayos ko ang kanyang kumot. Nang akmang hahawakan ko ang kanyang noo ay napatigil ako.  What the hell?! Ano bang nangyayari sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD