Migs's POV Ibang-iba na ang mukha ngayon ni Pamela. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya sa nakaraang mahigit anim na buwan. Pinaputulan na rin nya ang kanyang buhok. Ang balat nya na dati'y kasing puti ng labanos ay namumula na. May lahing Espanyol si Pamela, kaya natural na maputi sya at blue eyes. Kaya ngayon na namula na ang kanyang balat ay lalo pa syang gumanda. Bumagay din sa bago nyang gupit ang kulay nya. Ang tapang nyang tingnan ngayon, malayo sa dating Pamela na masayahin at malambing. Hindi ko rin alam na napaka yaman pala ng pamilya nya. Nag-iisa din syang taga pag mana ng kanilang yaman. Hindi nya kasi nasabi sa akin noon ang buo nyang pag katao. Hindi rin ako nag tanong sa kanya, dahil abala ako sa pambabae. Oo, napaka gago ko. Wala akong ibang inisip kundi ang

