NAGULAT ANG LAHAT sa biglang pag sulpot ng isang Pulis. Mabilis nitong nilapitan ang Bride at agad na tinutukan ng baril sa leeg. Nagulat din ang Bride, dahil sa bigla na lang may lalaking humawak sa kanya ng mahigpit at tinutukan pa sya ng baril sa leeg. "W-who are you? please let me go...wala akong kasalanan sayo at hindi rin kita kilala. Bakit kaba nandito at nanggugulo?" pagma maka awa ng Bride sa lalaking bigla na lang nanutok sa kanya ng baril. Nagulat naman ang lalaki sa babaing nag salita. Dahil iba ang boses nito at hindi nya ito kilala. Dahil sa pagka bigla ng lalaki ay nanigas ito sa kanyang kinatatayuan. Humarap naman sa kanya ang Bride at agad na tinanggal ang Veil na suot nito. "Fvçk!" bulong ni Kristoff. Hindi nya akalain na isang trap pala ang kasal na ito, at

