Papunta si Pamela sa MONA MALL, upang bisitahin ang kanyang Flower Shop doon. Lagi nyang ginagawa ang mag- ikot sa mga Branches ng PAMELA'S FLOWER STUDIO. Pag pasok nya sa Mall, ay nakaramdam sya ng gutom. Kaya agad syang nag hanap ng Restaurant na puweding maka- inan. Papasok na sana sya sa isang Japanese Restaurant ng mahagip ng paningin nya ang lalaking naka uniforme ng pulis. Dalawa ang lalaki at may kasamang dalawa din na babae. Bahagya syang lumapit sa table ng mga ito. Nakatalikod ang dalawang pulis, pero hindi sya maaring mag kamali. Dahil sina Migs at Jimmy ang mga pulis na kumakain, kasama ang dalawang babae. Parang umakyak sa ulo ni Pamela ang lahat ng kanyang dugo. Pinag pawisan din sya dahil sa biglang pag kulo ng kanyang dugo. Parang gusto nyang hagisan ng granada an

