Maagang lumabas si Migs, sa Police Station. Uuwi sya nang maaga ngayon upang sorpresahin si Pamela. Kaarawan ngayon ni Pamela, plano ni Migs na dalhin si Pamela sa isang sikat na Restaurant. Nagpa Reserved na rin sya sa Restaurant na yun at lahat ay naka handa na para sa kanila. Nang dumating sa bahay si Pamela, laking gulat nya nang may nag hihintay pala sa kanyang Makeup Artist. "Sino kayo at bakit kailangan nyo akong ayusan? wala naman akong pupuntahan na events." naguguluhang tanong ni Pamela sa dalawang bakla na nag hihintay sa kanya. "Eh, Ma'am! pasensya na po, pero napag utusan lang po kami, at ang bilin po sa amin ay dapat maging ready ka before 8pm." sagot naman ng isang bakla sa kanya. "Pam, huwag kana kasing mag reklamo pa. Aayusan ka lang naman nila, ang mahal- mahal

