Migs' POV HALOS MAHIMATAY SI MAMA, nang malaman namin na may gustong pumatay kay Ate Lisa. Bigla na lang daw may motor na dumaan sa harapan nila ate Lisa at kuya Sam, habang hinihintay nila ang driver na sumundo sa kanila. Si Kuya Sam ang sumalo sa mga balang dapat ay tatama sa katawan ng aking kapatid. Iyak ng iyak si ate Lisa, dahil sa sinapit ni kuya Sam. Alam kong mahal na mahal ng kapatid ko si Agent Parker. Sa haba ng panahon mag mula ng mamatay ang asawa nito, ay ngayon lang sya muling umibig. Mahal na mahal din sya ni kuya Sam. Lalo pa naming napatunayan yun, dahil sa ginawa nyang pag salo sa mga balang dapat ay para sa aking kapatid. Mag mula ng dumating si kuya Sam, ay naging taga pag ligtas na sya ni ate. Sana lang ay maka ligtas si kuya, para naman maging masaya na

