Maaga akong lumabas kaya mabilis din akong naka labas ng Maynila. Wala pang traffic kanina sa mga kalsada ng lungsod. Ngayon ay patungo na ako sa aking Probinsya. Malayo ang Sta. Monica Province, nasa 8 to 10 hours driving mula Maynila. Siguradong hapon na ako makakarating sa aking mahal na bayan. .... Migs POV Halos hindi ako nakatulog kagabi. Nag aalala ako kay Pamela. Alam kong galit 'yon sa akin dahil hindi ko nasagot ang mga tawag nya. Da*n! kung alam ko lang na tatawagan nya ako, dapat ibinulsa ko na lang ang phone ko. Meron akong minamanmanan na tao kagabi. At dahil doon ay nag tagal ako sa loob ng Club kung saan ko makikita ang target ko. May operasyon na naman kami mamaya at kailang ko munang maka usap si Pamela. Mag papaliwanag ako sa kanya, baka kung ano pang isipin

