Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kusina. Sumilip muna ako bago ako tuluyang lumabas. Agad naman akong napatago, dahil may biglang tumayo sa gilid ng pader at pina ulanan ako ng bala. Nang tumigil na ito sa pag baril sa akin ay agad akong kumuha ng granada, agad ko rin tinanggal ang pin bago ko ihagis sa taong nag tatago sa likod ng pader. Agad din akong dumapa upang hindi ako mahagip ng malakas na pag sabog. Mabilis din akong tumayo, dahil naririnig kong patuloy ang palitan ng putok sa harap ng aking bahay. Magagaan ang mga pagyapak kong umikot saka ako nag tago sa malalaking paso ng halaman. Nakita ko rin si Migs, na naka tago sa likod ng kotse. Mukhang wala na itong bala, kaya agad akong lumabas sa pinag tataguan ko at walang takot na pinaulanan ng bala ng aking armalite ang mg

