Tuwang tuwa si Pj nang dumating si Pamela sa bahay nila. Mahigpit nya itong niyakap at pinupog ng halik sa mukha. "I miss you so much, tita Pam. Huwag kana pong umalis tita, dito ka lang po para may kasama kami ni Mommy." wika sa kanya ni Pj. Madaldal na talaga ito at napaka bibo na bata. "Yes, baby! i promise, hindi na kita iiwan ng matagal. I love you baby!." malambing na wika nya sa bata. "Joy, kumusta kana? na miss kita ng sobra." baling nya kay Joy na nag papahid ng luha. "Ok lang ako, Pam. Namiss din kita!" sagot ni Joy at agad na niyakap ang kaibigan. Pinag pahinga muna sya ng kanyang ate Lisa. Pag pasok nya sa kanyang silid ay natuwa pa sya dahil may nakita syang mga bagong damit sa kama. Hindi lang ito basta damit, dahil ito ang damit ng mga Secret Agent ng ORBIT. Black

