Hindi maganda ang mood ni Ivory kakalabas lang niya ng office ni Mrs. Dolly, na sabon siya ng bongga at kung makapag salita ang dalawa pati si Donna na ang bait-bait sa labas pero napaka demonyita sa personal. Grabe minumura na nga siya dahil sa nangyari noon talk show na nagawan naman ng paraan ni Donna. Hindi na nga siya binayaran at hinayaan na niyang murahin siya ng mga ito, tatakutin pa siyang idedemanda. Sa buwisit tuloy niya hinamon niya ang mga ito ng demandahan na akala pa ng mga ito nag jojoke lang siya. Hindi siya pasado as law student at hindi rin naman siya kasing tatalino ng mga kapatid niya pero since lumaki siya kasama ang mga abogado sa loob ng bahay nila kaya marami na siyang alam sa batas. Nag resign siya at hinamon niya ang mga ito na sa korte na lang mag harap. B

