Panay ang tingin ni Ivory sa rilo sa pader, ewan ba niya grabe ang kabog ng puso niya habang kanina pa siya panay ang tingin sa pinto. Ang bilis niyang naka ligo wala pa atang 10 minutes kaya tawang-tawang ang mga kaibigan sa kilos niya, natataranta na ewan. Simpleng cotton dress ang isinuot niya at hinayaan lang niyang naka lugay ang buhok niya. Buhat niya si Cross na bagong palit din ng diaper at damit. Napapitlag pa siya ng marinig ang tunog ng doorbell at napatingin sa rilo sabay sa orasan. Then the phone alert may nag message si Chase, isang word lang "HERE" napakatipid mag text. Hinanap niya ang dalawang kaibigan para ang mga ito ang mag bukas ng pinto pero bakit nawala ang dalawa. Sabay bang naligo ang dalawang yun at bigla nalang naglaho sa paningin niya na kanina lang ay pa

