Habang busy si Chase sa harapan ng laptop niya ng mag pop up sa screen niya ang isang email na galing kay Red na ikinasimangot niya pero hindi niya pinansin at tinuloy na ang ginagaw ng mag ring naman ang phone niya at nakitang si Red ang natawag na iiritang tiningnan lang niya ang screen at hinayaan na mag ring lang yun. Sa harapan ng mga pamilya nila, maayos sila parang matalik pa rin magkaibigan pero kapag walang matang naka tinginan para silang mga mortal na magkaaway na gustong magpatayan pero wala naman may gustong unang sumugod. Napamura na lang si Chase na hinablot ang cellphone na ayaw talagang tumigil sa pag ring at sinagot na para tumigil na ito. "What the hell do you want?" angil agad niya rito. "Chill, wala akong balak na kausapin ka. May send ako sa email mo baka lang

