Pakiramdam ni Chase naubos ang lahat ng lakas na meron siya habang nakatingin sa saradong pinto. Para bang nakikita pa niya si Ivory na lumabas dun. Nasabi niya ang mga gusto niyang sabihin pero parang ang bigat pa rin sa dibdib, she so near but yet so far. Gusto niya itong yakapin ng mahigpit kanina or halikan pero alam niyang masyadong kalabisan yun kung gagawin niya. Inikot niya ang swivel chair at napatingin sa floor to ceiling na glasswall. Madilim na sa labas ilang minuto na lang mag iilaw na ang buong city ng Metro Manila. Wala na siyang nagawa mag hapon basta naka upo lang siya roon at nakatingin sa ampao na ibinalik ni Ivory at sa picture ng mag ina niya na stolen shot habang pina-aarawan nito si Cross sa harapan ng bahay ni Julien sa Rizal. Tumayo siya at lumapit sa

