"Chase hijo, hinanap mo ba si Red?" ani Hanna ng salubungin siya nito sa main entrance na hinalikan pa siya sa pisngi sabay abot naman niya rito ng bouquet na dala niya rito saka matamis na ngumiti. "Hindi po naka usap ko na po siya kanina, si Ivory po sana ang kakausapin ko." wika pa ni Chase na bahagya pang itinaas ang asul na envelop na dala niya. "Tungkol ba ito sa mga alak na ininom nila sa pent mo? Magkano ba yun hijo, nabangit sa akin ni Blue kahapon na liquor collector ka daw." napakamot naman ng ulo si Chase. "Hayaan n'yo na po yun? May usapan na po kami ni Ivory tungkol dun." "Kung alam ko lang na magiging pasaway siya sa pent mo hindi ko na siya hahayaan na temporary mag stay sa'yo nakakahiya tuloy sa'yo." "Ano po ba kayo Tita, bestfriend ko po si Red kaya no worries, gus

