Kanina pa nakatitig si Chase sa cellphone niya wala pa rin siyang natatanggap na tawag o text kay Ivory. Ngayon ang usapan nila tungkol sa offer niya pero hindi nag paparamdam si Ivory. Sinusubukan ba nito ang kakayanan niya kung totoohanin niya ang banta niya. Kinuha niya ang cellphone at nag simula na mag text sasample-an niya si Ivory.
"What's your plan for tonight?" text niya kay Ivory saka ibinaba ang cellphone sa mesa niya pero umabot na ng ilang minuto hindi nag rereply ang dalaga at nag sisimula na siyang mairita. Nang lumipas na ng 30 minutes tumayo na si Chase at na iinis na tinawag ang secretary saka ito inutusan na i-cancel ang mga appointment niya for today.
Mukhang kailangan ni Ivory ng isa pang paalala na mag tatak sa utak nito na hindi siya nag bibiro sa offer niya at wala siyang balak na makipag habulan dito. Nakasakay na siya ng elevator ng mag ring ang phone niya it was Ivory na hindi sana niya sasagutin pero napamura na lang siya na sinagot din niya sa huli.
"Where are you?" salubong ang kilay na tanong ni Chase ng marinig ang malakas na static na nanggaling sa kabilang linya.
"I'm working Chase, you see hindi lang ikaw ang busy. Ngayon kung hindi ka makapag hintay ng desisyon ko mag hanap ka nalang ng ibang babaeng makakalaro mo sa kama mo." awang naman ang bibig ni Chase sa sinabi ni Ivory, is that a rejection? binababaan siya ng phone ni Ivory at pinag hahanap siya ng babaeng makakalaro daw niya sa kama.
So, malinaw lang talaga na hindi ito natatakot sa kaya niyang gawin o baka naman masyado itong mataas ang tiwala sa kanya dahil ba kaibigan niya si Red? Anong akala ba nito hindi niya nasubukan sa ibang babae ang problema niya, na subukan na niya marami na siyang babaeng na offeran ng contract pero hindi pa umaabot ng 1 week siya na mismo ang umaayaw dahil walang epekto ang mga ito sa kanya.
Wala din naman siyang balak i-open kay Ivory ang tungkol sa problema niya pero wala na siyang choice dahil ito na lang ang na iisip niya na last resort niya since ito ang dahilan kung bakit gusto pa niyang magpatuloy. Kung hindi siguro ito dumating at lumapit sa kanya ng araw na yun baka wala na siya ngayon.
And kissing her at the elevator natiyak niyang si Ivory talaga ang kailangan niya. His body react ramdam na ramdam niya sa katawan niya na he needs a woman more than woman needs him. Pero mamatay muna siya bago niya aminin yun kay Ivory na mataas din ang ere sa katawan. Kailangan niya si Ivory kaya gagawin niya ang lahat madala lang niya ito sa kama, hindi dahil he's a s*xual addict but he wanted to be cured iyon lang.
-
-
-
-
-
-
"I'm his medicine, so technically kailangan n'ya ako." ani Ivory habang nakatingin sa cellphone niya na naka itim na ang screen. Napag-isip isip lang niya kagabi. Bakit nga ba siya na pepressure e ito ang may kailangan sa kanya, although gusto na niyang maka-uwi sa pamilya niya lalo pa at may sakit pala ang Ate niya. Pero kailangan niyang pag planuhan ng mabuti ang lahat, hindi siya puwedeng sumugal lang dahil lang sa magandang offer ni Chase pero in other terms bino-blockmail lang siya nito para sa pang sariling kapakanan. Kung papayag siya sa gusto nito in her term hindi ang term na gusto nito ang masusunod, ano ito sinu-suwerte. Gagawin na siyang s*x slave tapos ito pa ang masusunod.
No way!
"Ivory, get ready." sigaw ng assistant director na sinenyasan na siya kaya naman nag madali na siyang nag ready. May TV guesting ang artistang pinag tatrabahunan niya bilang ghost singer at sympre iba ang hitsura niya ngayon. Hindi siya si Ivory ngayon kundi si Venice isang pangit na na ngangarap na maging singer. Malaki ang bayad sa kanya sa tuwing gagamitin ang boses niya ng artista.
Talaga yatang wala nang pag-asa
Upang ako'y iyong ibigin pa
Pa'no mangyayari, gayong ako'y 'di mo pansin?
Pa'no mo malalaman, sa 'yo'y may pagtingin?
Lagi na lamang sa 'king isipan
Sana ito'y iyong maramdaman
Masabi ko na sana na minamahal kita
Do'n mo lang malalaman, pag-ibig ko'y hanggang
Yung feel na feel na ni Ivory ang kanta niya habang nasa likod ng backstage sa isang maliit na espasyo habang nakatingin sa maliit na monitor kung saan nakikita niya ang singer na pinag tatatrabahunan niya na nag t-tv guesting habang nahilingan itong kumanta ng audience na alam na mangyayari kaya isinama siya ng manager nito. Ngunit bigla siyang na alarma ng makita si Chase na paparating napatingin ito sa gawi niyang kaya nag mamadaling isinarado niya ang kurtinang itim. Sana hindi siya nito nakita at wag itong gumawa ng kaguluhan.
Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa?
Bakit may mahal ka nang iba?
Nguni't 'di bale na kahit mahal mo siya
Mahal naman kita___putangin* mo!" malakas na sigaw ni Ivory sa mic dahil biglang bumukas ang kurtina saka walang sabi-sabi na pinasan siya ni Chase sa balikat nito saka nag mamadali din umalis habang tangay-tangay siya
"Ang gago mo! Ang gago mo talaga! Kainis ka, alam mo ba kung anong problema ang ginawa mo baka ipakulong ako ni Mrs. Dolly." inis na bulalas ni Ivory habang sakay na sila sa backseat ng sasakyan nito. Para naman wala itong naririnig na nakatingin lang sa kalsada habang meron itong personal driver na nag dadrive.
"Magkano ba ang sinu-suweldo mo sa kanya dodoblehin ko."
"Kahit doublehin mo pa wala na akong paki-alam. Kahit i-triple mo pa!" sigaw pa ni Ivory na inis na inis.
"Sa Ayala tayo Emerson. Sa Chua residence." napasinghap naman si Ivory na napahawak bigla sa braso ni Chase.
"Ito naman hindi na mabiro, tenetesting ko lang naman kung kaya ko rin pumasok sa showbiz tulad ni Kuya Red." biglang wika ni Ivory na gustong matawa ni Chase na pinipigilan lang na kunwari pang galit na binawi ang braso na niyayakap na nito ngayon. Kita naman niya sa rear miror na hinayaan pa siya nito ng suntok ng hindi siya nakatingin pero ng lingunin niya ito bigla itong ngumiti ng matamis pero dahil sa hitsura nito ngayon. Parang kinilabutan si Chase, mukha kasi itong principal na hindi nakakatikim ng dilig, grabe ang puti ng veneers nasuot nito, hindi bagay tapos pulang-pula pa ng labi parang si Madona pero ang ilong parang malulunod ito sa hangin.
"Kuya, sa Parañaque tayo." kumunot naman ang noo ni Chase sa sinabi ni Ivory.
"Anong gagawin sa Parañaque?" tanong pa ni Chase.
"Mag ses*x sa condo mo, may condom ka ba?"Malanding tanong ni Ivory na pinag landas pa ang daliri sa dibdib niya na nag hatid sa kanya ng kilabot hindi ng libog. Kaya inalis niya ang kamay nito at bahagyang lumayo rito.
"Oh! bakit nag iinarte ka ngayon? Diba ito ang gusto mo ang kantut*n ang diwatang tulad ko." natatawang turan ni Ivory na umisod pa ng upo palapit kay Chase. Nagkanda-uubo naman ang driver ni Chase na mukhang kahit ito diring-diri sa sinabi niya, well kahit naman siya dahil hindi naman siya babaeng kaladkarin saka depende sa character niya ang tabas ng bibig niya pero never naman naging ganun ka baboy ang bibig niya ngayon lang kainis kasi ang lalaking ito. Porket alam ang secret niya balak pa siyang i-blackmail para lang mapapayag siya.
"Hindi ka mukhang diwata, mukha kang engkanto." bulalas ni Chase.
"Ayyy eng sheket nemen, pero joke lang hindi naman masakit.. so ano may condom ka ba?"
"Tumigil ka nga! Emer sa ayala tayo."
"Ito na! Ito na mag bebehave na... kainis." usal ni Ivory na nag siksik na lang sa sulok ng backseat habang nakasimangot.
"Hindi ako ang mag cocondom, ikaw ang mag tatake ng pills, nasa contract yun hindi mo ba binasa?" tanong ni Chase na nilingon si Ivory na naka nguso. Napansin naman ni Chase si Emer na napapangiwi na tumingin pa sa kanya sa rear mirror bago kay Ivory na parang diring-diri ito at alam niya ang natakbo sa isip nito.
"Eyes on the road Emer." malamig na utos niya rito.
"Pabayaan mo nga na tingnan niya ako, kung ikaw nga gustong-gusto ako siya pa ba?" tumarak naman ang mata ni Chase.
"Sige kuya titigan mo pa ako, hanggang sa bangungutin ka."
-
-
-
-
-
-
-
Inis na pinatay ni Ivory ang TV after mapanood ang balita tungkol Donna sa singer actress na pinag tatrabahunan niya, buti na lang talagang magaling ito sa actingan. Umarte itong na parang nagulat din at biglang nawalan ng malay sa gitna ng performance nito. Tiyak hinu-hunting na siya ng mga ito dahil sa bigla niyang pagkawala pero marami naman naka kita sa kanya na tinangay siya ni Chase kanina.
Speaking of Chase asan kaya ang lalaking ito, nasa penthouse sila ng building nito inayos na muna niya ang pagkakabuhol ng bathrobe na suot niya. Hindi na siya si Venice ngayon, siya na ulit si Ivory na bagong ligo at fresh na fresh. Agad siyang lumabas ng kuwartong pinagamit sa kanya ni Chase para makapag palit ng anyo. Agad naman niyang nakita si Chase sa open space na office nito na busy habang may kausap. May itinuro ito sa bahagi ng sala ng office nito na ikinalingon niya at nakita niya ang mga sikat na brand ng paper bag. Nilapitan niya iyon at tingnan ang laman, inilabas niya ang isang box ng maupo siya sa sofa para tingnan kung anong laman ng box na yun na malaki pero tumaas ang kilay niya ng makita ang isang set ng bra at panty na kulay black na puro lace lang yun at parang wala naman na siyang itatago. Ang panty ganun din hindi nga T-back o g-string pero wala din naman maitatago tiyak kita din ang lahat. Napapailing na inihagis niya ang box sabay lingong kay Chase na nakatingin din sa kanya na inirapan naman nya.
Kinuha naman niya ang isa paper bag ng sikat na lingerie boutique at muntik na niyang maibato kay Chase ang damit na puro na lang see through. Ano bang balak nito mag shoot sila ng p*rn movie, literal a binato niya ang paper bag sa malayo at tiyak niyang nakita iyon ni Chase. Pag kuha ng isang paper bag sa wakas meron siyang nakitang matinong dress.
"Kung ayaw mo wag mong ipag batuhan."
"Ano bang akala mo sa akin prostitute?" inis na tanong ni Ivory kay Chase na nakatayo sa harapan niya.
"Of course not. You’ll be the most important person in my life." halos pabulong na wika ni Chase sabay hubad ng suot nitong longsleeve sabay bato sa mukha niya na hindi naman magawang magalit ni Ivory dahil natulala na lang siya sa magandang katawan ni Chase na hindi niya inaasahan na ganun pala kaganda ang katawan nito. Bigla nanuyo ang lalamunan niya at nanikip ang dibdib niya.
"I’m just going to take a quick shower—then we talk business." ani Chase na biglang lumapit sa kanya na itinuon ang dalawang kamay sa likuran sandalan ng sofa na kinauupuan niya. Halos atakihin naman sa puso si Ivory habang naka kulong siya sa braso ni Chase na nasa magkabilang ulo niya.
"A dirty business." wika pa nito na ikinalaki pa ng mata ni Ivory ng ilabas nito ang dila at literal nitong dinilaan ang labi niya imbis na halikan.
"I can't help but wonder... how your lips down there would taste like." wika pa ni Chase sabay tayo ulit saka umatras ng dahan-dahan sabay kindat sa kanya.
"If I turned you on don't hesitate, don't think twice—you can join me in the shower if you want." wika pa nito bago ito nawala sa paningin ni Ivory na ilang beses na napalunok saka nag mamadaling tumayo.
"Tissue! Kailangan ko ng tissue." impit na tili ni Ivory na natataranta sa pag hahanap ng tissue sa loob ng office ni Chase.