"Aba, ang tahimik ni Baby Cross. Pang-international na tulog parang sinadyang i-cancel ang mundo." ani Jullien habang naka inaayos na ang mga inorder nitong pagkain sa mesa nila sabay sipsip ng coke sa straw. "Sabi ni Mommy, tulog daw talaga ng tulog ang ganyan old pero wait lang… pag nagising ’yan, kabahan ka. May iyak, may bunganga, may monologue pang kasama." ngiti ni Ivory habang nag lalagay ng gravy sa chicken niya na parang bigla din siyang natakam. "Hala! Mana talaga sa’yo—main character energy." biro ni Jullien na malaki naman kumagat sa burger. "Hindi no! Ako classy lang, siya... baka mana sa tatay. May pagka-deman—." natigilan sa sasabihin si Ivory ng maramdaman niya ang pag sipa ni Jullien sa ilalim ng mesa sabay senyas sa likuran niya at nakita niya si Chase na papa

