“Nasusuka ako…” sambit ko sa magkakapatid habang nasa isang malaking sasakyan lang kami. Si Quest ang nagda-drive at kasama niya sa harapan si Quartz. Kasama ko naman si Quaid at Quill sa backseat at pinagitnaan nila ako. Papunta kami ngayon sa isang 5-star restaurant para sa dinner meeting namin with Mr. Conway. Nasa bahay pa lang ako, masyado na talaga akong kinakabahan. Suot ko ngayon ang isa sa dress na niregalo sa akin ni Evi, it’s a classic black dress na off shoulder at mahaba ang sleeves nito. Hapit na hapit ito sa aking katawan kaya naman na-enhance nito ang na-develop kong curves mula sa aking pagpo-pole dancing. It’s above the knee that I partnered with black pump shoes. Approve ito sa magkakapatid kaya lang ayaw nila na maraming makakita sa akin na suot ito. Hindi naman siya re

