Nanggigil ako sa pag-yakap sa aking kapatid nang makita ko siya sa guard house at kinakausap niya si Manong. Sobrang saya ko lang talaga na nandito siya at hindi ko napigilan na umiyak sa saya! Hindi ko alam kung bakit siya nandito pero sana naman hindi para sunduin ako at bumalik na kami sa probinsya. Hindi ko kayang iwan ang mga lalakeng nagpapasaya sa akin ngayon at malamang, tatanggi pa ba ako sa totoong nararamdaman ko sa kanila? Ang problema, ang magiging reaksyon ng kapatid ko. Tsaka hindi rin niya pwedeng malaman ang nangyari ngayon araw at baka ilayo na niya talaga ako rito. Kahit babaero siya, super protective niya para sa akin na nag-iisa niyang kapatid at babae pa. Kaya nga walang nakakapunta na lalake sa bahay kahit na rin mga kaibigan niya at si Dakila, kaya hindi ko siya nak

