Dala ang isang box ng cake at isang bote ng wine, umakyat kami sa apartment ng aking kapatid at ni Dakila. Masaya ang araw na 'yon para sa amin at kailangan talaga na mag-celebrate. Kagagaling lang namin sa company building na pag-aari ng mga Gaviola Quadruplets at kasama ko silang apat ngayon. Dinalhan ko kasi sila ng lunch gaya ng request ni Quaid pero isang sorpresa pala ang sumalubong sa akin doon. Nakilala ko ang Head ng Advertising ng kumpanya, si Evianna Lumiere, isang glamorous at magandang babae na matalik na kaibigan ng mga Gaviola, at naghahanap ito ng new face para sa bagong brand na ilalabas nila. Dati pala siyang sikat na model, nag-retire, nakilala niya ang magkakapatid at in-offer sa kanya ang trabaho, which she fully accepted. Siya ang isa din sa dahilan kung bakit namamay

