Humiwalay ako kay Quest na kanina pa ako yakap at nakasubsob lang ang aking mukha sa kanyang dibdib. Sobra na naman akong umiiyak at nakita ko na basa na ang tshirt niyang suot. Inabutan niya ako ng tissue na tinanggap ko at pinunasan ko ang aking mukha. Kakaalis lang ng Nanay ko na bigla na lang dumating rito para kunin ako. Maging siya ay ayaw niya na matupad ko ang pangarap ko na maging model. Mas lalo nga niya akong ininsulto, eh, ininsulto niya ang pagkatao ko. Alam kong nakapagtapos lang ako ng high school pero may alam naman ako. Hindi man ako kasing talino ng mga classmate ko noon, mabilis naman akong natututo. Ang sabi nga ni Quest, fast learner ako, ang dami ko na ngang alam, eh, at dahil ‘yon sa pagtulong nila sa akin, pagbabasa ko ng books at panonood ng videos. Ang sakit ng mg

