Nagulat ako at nag-alala rin nang makita ko ang aking Nanay sa loob ng apartment ng aking kapatid. Nagtataka ako kung bakit siya nandito at sa itsura pa lang niya, galit na galit siya. Tumingin ako sa Kuya ko at namumula ang kanyang mga mata na parang kagagaling lang niya sa pag-iyak. Agad ko siyang nilapitan at hinawakan ko ang kanyang kamay. Tinanong ko kung okay lang siya at tumango naman ang kapatid ko. Naiinis kong hinarap ang aking ina na nandidilat na ang mga mata habang nakatingin sa aming dalawa. Kung galit man siya sa akin, huwag niyag idamay ang kapatid ko. “Nay, huwag niyo naman pong idamay si Kuya sa galit niyo sa akin. Wala siyang kinalaman rito, nagalit din naman siya sa akin nong una, pero naiintindihan niya na ako.” Sabi ko sa kanya at tumalim pa ang kanyang tingin sa a

