Nagluto ako ng dinner para sa aming dalawa ni Quaid dahil gutom na gutom na talaga ako. Maghapon ba naman kaming nasa kama lang para lang makabawi ako sa kanya dahil nga parang ang daming hadlang sa one week na time namin sa isa’t-isa. Kasisimula pa lang ng week namin, sumulpot ang kanyang Mama at ang kababata, dating kaibigan nila na si Madison. Gusto nila akong palayasin sa bahay ng magkakapatid, ininsulto ako ni Mrs. Gaviola at tinanggap ko lahat ng ‘yon. Pero nagmatigas ako at hindi ako umalis dahil na rin sa sinabi ng aking Nanay na nasa probinsya ngayon at inaalagaan ang may sakit kong Tatay. Dahil doon, sinaktan ako ng bruha na Madison at kinaladkad pa ako palabas ng bahay. Mabuti na lang at tinulungan ako ni Manong guard, at dumating din ang apat. Dinala ako ni Quest at Quill sa o

