After lunch, nakaayos na kami ni Quartz at pupunta kami ngayon sa isang fashion show. Excited ako dahil makakapasok pa kami sa backstage, para makita ang mga ginagawa ng models at staff na naroon. Ako mismo ang pumili sa aking isinuot na hindi masyadong magi-stand out pag nandoon ako gaya ng bilin ni Quartz. Ang pinili ko ay isang white button down shirt na nakabukas ang ilang butones kaya kita ang konting cleavage ko. Isang fitted slacks na hanggang sa ankles ko, black pump shoes at plain black blazer na pinatong ko lang sa aking mga balikat. Nagsuot ako ng gold chain necklace at gold stud earrings at ang aking buhok ay high ponytail ang style. Isang cat eye makeup ang ginawa ko, mainly ang eyeliner ang bida na extended siya sa gilid ng mga mata at pointy. Then a shade of nude lipstick on

