Chapter 3 (What's the problem?)

1885 Words
Chapter 3 (What's the problem?) Layt's POV Ang aga naman ata matapos ng klase namin kanina? Tapos hindi parin nagpapakita sa akin si fairy. Haist buhay nga naman. Mayakag nalang si Cupid sa Cafeteria. Libre naman daw ang lahat dito kaso nasanay akong may pera sa bulsa kahit piso, e dito kahit singkong butas wala. "Cupid kain tayo! Tara gutom na ko!" Humikab naman si Cupid. Seriously, siya palang nakikita kong bampirang antukin. Baka epekto lang ng magic niya? Di nga kaya? "Ocake! Tara gusto ko ng cake!" Umoo nalang ako sa kanya. Bigla akong nagulat nang parang nag summon ng kulay pulang hugis pusong carpet. Hala ang galing! Magic, to create. Bigla yun ang naisip ko. Ang galing! So lahat ng magic ay to create? Naks ako kaya? Kelan kaya ako matututo sa magic? Biglang sumakay si Cupid dun sa Carpet. Tapos tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit?" "Baka gusto mong sumakay?" Sumakay naman ako, muntik na akong malaglag kasi nanginginig ako sa pagsakay. Tapos napansin ko nalang na nalutang ako. Nasa loob pala ako ng isang malaking bubble! "Waaaa Layt look lumabas na yung bubble! Ang cute! Gusto ko din maranasan ang nasa bubble! Pag marunong kana, lipad tayo gamit ng bubbles mo ah? Tara lipad na tayo papuntang Cafeteria!" Tapos ayun nagsimula nang magpaharurot si Cupid ng carpet. Grabe bumabaliktad pa siya sa paglipad at kung anu-anong pinaggagawa. Tuwang-tuwa pa ang loka! Ako naman ay natatakot, paano pag pumutok to? Your Magic will keep you safe. Bakit ba laging may pumapasok sa isip ko pag nababahala ako o may iniisip? Nagkaroon tuloy ako ng lakas ng loob para control-in ang bubble na ito. Kanina pa ko nalutang pero hindi naalis sa pwesto. "Concentrate." Napatingin ako sa gilid ko. Nakita ko si Prince Ice. Wala pa ring emosyon pero mas lumakas ang loob ko sa sinabi niya. Umalis nalang siya bigla. Ano yung pinuntahan lang ako para sa advice? Ayy Assuming ako! Magcoconcentrate na nga. Pumikit ako at huminga nang malalim. Tapos nagmulat ako ng mata, "Aja!" Napangiti nalang ako nang gumalaw na yung bubble sa pwesto at nacocontrol ko na ito! Hindi sa physical kundi sa isip. Ang galing! Isip din kaya ang nagcocontrol sa carpet ni Cupid? Natutuwa na ako sa Magic. Ang daming nakatingin sa akin. Na-amaze ba sila? Hihi. Mga nanlalaki kasi ang mata. "O antagal mo naman Lay~~Bubble hehe. Nandito pala kayo mga kuya." Sabay kamot ni Cupid sa ulo. Nagpeace sign naman siya. Sinong mga kuya? E ako ang kaharap niya. Binaba na ako ng bubble ko. Ang cute pumutok nung bubble kasi nagcreate siya ng maliliit na bubbles. Automatic naman na napalingon ako sa likod ko kasi tagusan yung tingin ni Cupid. Napangiwi nalang ako ng makita ko yung limang Prinsipe. Tapos bakit parang namalikmata ata ako? Nginitian ako ni Prince Ice? Pero parang imposible naman yun. Wait kuya? At bakit kuya? "Tara Cupid dun!" Turo ko sa kanya sa may table na bakante. Pero hinila niya ako dun sa may dulo, sa may pinakamagandang table. Kasunod pala namin yung lima. What? Ayoko nahihiya ako. Ayoko dito. Pwesto ata ng mga ito ang table na to. "Eh kasi Cupid ano~" "Hep. Dito na tayo, wala ka nang magagawa. Wala ng vacant oh!" Napairap naman ako. Tinawanan niya lamang ako. Tinuro niya yung paligid. Ang bilis naman atang mapuno? Ganito talaga siguro pag free food. Ang sarap mamuhay sa mundong wala kang poproblemahin sa gastos. Sana ganito rin sa mundo ng mga tao para walang nahihirapan. May pakialam pa rin ako sa mga tao kahit bampira ako. "Nakakahiya naman sa kanila. Hindi ako dapat nandito dahil normal na magical vampire lang ako. They will hate me." Ika ko naman sa kanya. Well totoo naman e. Their fans will hate me or even them. Except cupid of course. "Don't worry it's okay! Umupo ka na Bubble *wink*" Bigla naman akong nailang. Pinapaupo niya ako sa tabi niya. Yun nalang kasi ang vacant, yung magkatabing upuan. Sa pagitan ni Prince Rock at Prince Ice. Hindi ko alam kung saan ako uupo. Bigla akong may naalala, Cupid=heart, Prince Rock=lovehater. What if sila ang kaya magkatuluyan? Ang cute diba? Gagawa nalang siguro ako ng paraan. Kaya naman ang ginawa ko ay inagawan ko ng uupuan si Cupid. Uupo na sana siya sa tabi ni Prince Ice pero inunahan ko siya. "Ay *pout*" Sinimangutan naman niya ako. Mukhang alam na niya yung nasa isip ko kung bakit ako doto umupo. No choice siya kaya umupo na siya sa tabi ni Prince Rock. Tapos nagka titigan nang masama yung dalwa. Haha ang cute talaga nilang tignan. Bagay sila! Napangalumbaba nalang ako habang tinititigan sila. Halatang irita sila sa isa't-isa. "Nakakainis ka naman bubble! Bakit hindi ka dito umupo? Gusto pa naman kitang katabi!" Inirapan ko naman siya. Hindi ko type si Prince Rock. Mas gusto ko siya para kay Cupid. I want him to learn how to love. They are perfect for each other. Inirapan naman siya ni Cupid. Tapos hindi na niya pinansin si Prince Rock. Ako naman nakangiti lang sakanya. Tapos parang naramdaman ko na may masamang nakatingin sa akin. Kay Prince King kaagad ako napatingin, at Boom ang sama talaga ng tingin. Nakakatakot talaga siya. Si Prince King yung tipo ng lalaki na dapat kong iwasan. Si Fire ay ganoon din. Bakit ba ganoon ang ugali ng dalwang yun? As if naman na may nagawa akong kasalanan sa kanila? Wala naman akong ginagawang masama. Si Air walang ginagawa. Si Ice ewan ko, nahihiya ako. "Thank you pala kanina Prince Ice." Tumango naman ako bilang paggalang. Nahihiya ako. Ayoko munang iangat ang tingin ko. Feeling ko namumula ako dahil nag-init ang pisngi ko. Hindi ko alam kung saan kk nahugot ang lakas ng loob ko para kausapin siya. Hindi nagsalita si Prince Ice. Nahiya naman ako. "Psssh" Iritang-irita si Prince King. Napatingin ako sa kanya tapos nakangiti siya na nang-aasar. Sinamaan ko siya nang tingin tapos sabay irap para damang-dama niya. Napatingin naman ako kay Cupid. Parang nalungkot siya para sa akin. No, it's fine. Sanay ako sa ganang treatment. Naranasan ko na yan before so it's not a big deal. Napangiti naman ako ng mapait. "Pagpasensyahan mo na yan si Ice, sadyang tamad lang yan magsalita." Pagpapagaan naman ng loob sa akin ni Prince Rock. Nginitian ko naman si Prince Rock. Ang gwapo talaga ng isang to. Somehow ay nagpapasalamat ako dahil nandito siya. Siya ang taga sira ng tahimik na aura sa amin. "Hay nako kala ko ba Lovehater ka Rock? Pssh pinopormahan mo lang si Bubble eh! Hindi kayo bagay, masyado siyang maganda para sayo!" Pang-aasar naman ni Prince Air kay Prince Rock. Napangiti naman ako. Tama siya. Alam kong ginagamit lang naman ako para inisin si Cupid. That's it. No issues. Haha naniniwala na akong mayabang ang isang to, si Prince Air. Pero mukhang masaya naman silang pakisamahan. Pero nahurt talaga ako nang hindi ako pinansin ni Ice. Nararanasan ko na naman kasi ang nangyari sa akin sa mundo ng mga tao. Para lang akong hangin sa mundo ng mga tao. Or kaya ako lagi ang binubully. Dito naman, nagkaroon ako ng kaibigan ngunit napasama ata ang pagsama ko dahil sa mga prinsipeng ito. Lagi nalang akong kinakabahan sa tuwing magsasalita sila. "Ako na ang o-order! Ano gusto mo Bubble? Alam ko na gusto nila." Napataas naman ako ng kilay kay Cupid. There's something wrong with her. Parang nagmamadali si Cupid na umalis. Bakit parang nagui-guilty ako? Parang may kasalanan ako kay Cupid? Hala kailangan ko siyang kausapin. "Sama nalang ako." Nginitian ko siya. "Hindi ako na nga sabi. Ano nga?" Irita niyang pagkasabi ngunit nabawi niya agad. Ngumiti siya kaso ang tipid na parang pilit lang. Hala baka gawa ni Prince Air o ni Prince Rock? O baka ako? "Katulad nalang ng sa iyo." Ngumiti naman siya tapos umalis nalang bigla. Napailing nalang si Prince King. Bakit kaya? May alam kaya siya? Mas pinili ko nalang manahimik. Kaibigan naman ako ni Cupid kaya hihintayin ko nalang na siya ang magkuwento. Hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niya. Naiintindihan ko naman. "So bubble kwento ka naman ng tungkol sayo, paano ka nakapasok dito." Pangungulit naman sa akin ni Prince Rock. Ang daldal ng isang to, pero okay lang kasi siya ang bumabasag sa katahimikan pati si Prinsipe Air. "Uhm basta may sinusundan akong kumikinang na bagay tapos saktong tumigil siya sa may flat na bilog na di ko maintindihan tapos nahulog ako bigla nung umupo ako. Nawalan ako ng malay. Pagkagising ko nandito na ako." Tumatango na lang si Prince Air at Prince Rock. Yung dalwa naman ay nakatingin lang sa akin ng masama. Sabagay anong bago dun? Si Prince Ice lang ata hindi nakikinig sakin. Bakit ba ako interesado sa kanya? Siguro kung hindi masama ang unang pagkikita namin ni Prince King ay sa kanya ako hahanga. Inaamin ko na siya ang pinakagwapo sa kanila. "Ang pagkakaalam ko si fairy ang may gawa noon. Siya lang naman nag gumagawa ng portal sa labas at loob ng mundo natin eh." Paliwanag naman ni Prince Air. "So tell us, nakita mo ba si fairy nang personal?" Napatuwid ako ng upo ng magsalita si Prince King. Ewan ko ba kung bakit ako medyo takot sa lalaking ito. Anytime kasi ay pwede niya akong patayin! Oo tama, kaya niya akong patayin sa isang iglap lamang. Oa na kung Oa pero ayoko pang mamatay! Speaking of namatay...parang may pumapasok sa isipan kong may namatay. Umiling-iling nalang ako. Nakatingin na pala sakin silang lahat including Prinsipe Ice. Ganan ba sila ka-interesado kay Fairy? Pero sabi nila, ang mga importante o matataas lang na posisyon ang nakakakita sa kanya? "Hindi ko siya nakita. Basta may kumikinang lang na 'bagay' akong nakita." Ipinagdiinan ko yung bagay para hindi nila isipin na si fairy yun. Ayokong mag-isip sila ng kung ano sa akin. Baka isipin nila na ako si Prinsesa Light. Omg nakakatawa naman. Ako PRINSESA? hahahahahahahaha nakakatawa talaga! Impossible yun. Hamak na malas na babae lang ako e. "Tss" m Nagulat naman ako sa katabi ko. Napatingin ako sa kanya. Nagkatitigan tuloy kami. Parang hindi naniniwala sa akin si Prince Ice. Kasi parang ganoon ang gustong ipahiwatig ng kanyang mga mata. Pero teka ang gwapo niya talaga! Ang ganda ng mata. Bagay na bagay sa kanya ang blue na buhok. Perfect! I like him! Teka, may sinabi ba ako? Wala naman. "Ehem" Tikhim naman ni Prince King. Napabawi ako ng tingin kay Prince Ice. Ano ba yan, pinagnanasaan ko na ata ang lalaking to! Urgh pero honestly siya ang pinakagusto ko sa limang Prinsipe. Kahit na Cold siya, may part pa rin sa akin na sinasabing iba pa rin siyang lalaki kumpara sa iba. Ewan, crush ko na ata siya! Ano ba yan ang landi ko. "Tumingin ka lang Kay Ice, lutang agad utak mo." Malumanay na pagkakasabi sa akin ni Prince King. Sinamaan ko naman siya nang tingin. Sa lahat ng Prinsipe, siya siguro pinakamasama! I hate him! Lahat nalang nang sasabihin niya panlalait! "Ano bang pakialam mo?!" "Hey stop it." Hinawakan naman ako ni Prince Air sa balikat ko. Napatigil naman ako. Naiinis lang kasi talaga ako sa lalaking ito. "Nasaan na ba si Cupid? Kanina pa yun ah? Teka wala siya sa counter. Asan na yun? Baka nanlalalaki na yun ah!"  Grabe umasta si Prinsipe Rock. Mukhang badtrip na siya. Nakakunot na ang noo. Tumayo siya tapos umalis na. Saan pupunta yun? Kailangan kong hanapin si Cupid. Kakausapin ko na talaga siya! Baka naman may something sa kanila ni Prinsipe Rock? Tumayo na ako, kaya napatingin yung apat. "Hahanapin ko si Cupid." Tapos tumakbo na ako, muntikan na akong madulas. Buti nalang at mahal ako ng bubbles! Tinulungan na naman ako. Pati ba naman dito minamalas ako! Nakakainis ha! Pero thanks sa magic ko! Tumakbo lang ako nang tumakbo. Saktong nakita ko si Cupid. Kaso kasama si Prince Rock. ___________________________ Magical Vampire Academy By: April Jane Patricio
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD