Chapter 17 (Hidden Identity) Prince Ice’s POV Possible ka yang si Laytina Chua at si Princess Light ay iisa? Kung iisipin mo, naglahong parang bula si Light noong mga bata pa kami and then bubble naman ang magic ni Layt. Magkakakonekta talaga ang mga nangyari nakaraan sa pagkatao ni Layt ngayon. Kinailangan ko si Invi para obserbahan si Layt. Kailangan kong malaman ang totoo. Kung siya man ang prinsesa, edi mabuti dahil naibalik na siya. Ang ipinagtataka ko lang, bakit hindi lumiliwanag kung siya nga? Si Rainbow naman, napagkamalan nila na ito ang Prinsesa pero nagduda agad ako noon. Nakonpirma naman naming na Rainbow talaga ang magic nito, hindi liwanag. Teka, tama oo naaalala ko na sabi ni Layt ay hinahanap niya ang sarili niya. Sigurado akong past niya iyon. “Prince Ice, si Fairy

