Chapter 37 (Truth) Layt's POV Nandito ako ngayon sa batong araw na lagi kong pinupuntahan. Pinahid ko naman ang mga luhang hindi ko mapigilan. Ito na yung araw na aaminin ko ang lahat lahat. Bakit nga ba ngayon ko lang gagawin to? Ang daming oras at araw na nasayang para sa kasinungalingang ito. Lumabas ako ng palasyo pero walang nakakaalam. Mas magandang simulan kong sabihin sa mga kapwa ko bampira. Ihuhuli ko na ang mga prinsipe at mga kaibigan ko. Hindi ko nalang sasabihin na inutos sa aking magpanggap. Ayokong magalit si King sa kanyang ama. Ayoko rin namang magalit sila kay Fairy sa paglilihim na ito. Nagpatong ulit ako ng dilaw na bulaklak. Mukha tuloy itong puntod dahil sa ginagawa naming pagdadala ng bulaklak. Pero simula nung nalaman ni King na ako ang Prinsesa, hindi na ni

