Charez Pov
Ako si Charez Nadera Villamar, isang Ofw sa bansang Kuwait. Simple lang ang buhay meron ako, iyong sakto lang, at sa mahigit labing dalawang taon kong naninilbihan bilang katulong ay masasabi kong pwede na akong mag-for-good. Kahit papaano ay may mga naipundar naman na din ako. Simple lang din akong tao. Hindi man ganon kadali makamit ang mga minimithi ko ay nakakaya ko naman paunti-unti.
Dati sa anak ko lang umiikot ang aking mundo, masaya na ako dun, hindi ko akalain na may isasaya pa ako sa pagdating ng isang lalaki sa aking buhay.
Siya si Jiroh Santos Smithen (Sorry for the name) Isang binata, una duda ako sa kanya. Sweet talker, caring, supportive, malambing at kung ano ano pang katangian ang meron siya. Nanligaw siya sa akin ng ilang buwan, bata ito ng 12 years kaya naman labis ang tuwa ko dahil may lalaki pa palang makakatanggap sa tulad kong may anak na.
"Mommy kelan ka uuwi?" Tanong nito.
"Sa december daddy." Sagot ko naman.
"Ako susundo sayo?"
"Ikaw daddy." That time I am so happy and blessed to have a boyfriend like him. Ilang araw palang simula noong naging kami.
"Kapag ba nalaman mong may madilim akong nakaraan, hihiwalayan mo ba ako mommy?"
"Hindi, ako nga ang nag-aalala kasi may anak ako, tapos ikaw binata."
"Sigurado ka ba mommy? Baka naman katulad ka din ng iba na huhusgahan ako."
"Hindi ako ganon, kung gaano mo tinanggap ang nakaraan ko, ganoon ko din tatanggapin ang nakaraan mo. Tsaka ano ba kasi yan?"
"Mommy, alam mo bang nakulong ako dati?" Sabi niya.
"Kelan at bakit?"
"Noong 2017, kalalabas ko lang nong december 12." Marami pa akong hindi alam sa kanya kaya nakinig lang ako. Kausap ko siya sa messenger.
"So 2 years kang nakulong?" Tanong ko.
"Halos mag 2 years, naframe up ako dahil sa drugs." Dahil desidido akong alamin ang past life niya ah hinayaan ko lang siyang maging open.
"Paanong naframe up?"
"Pupunta akong bahay non, kukunin ko lang iyong birth certificate ko dahil kailangan iyon sa school. Nagpunta din doon ang mga kaibigan ko. Hindi ko alam na may dala-dala silang shabu."
"Tapos?" Tanong ko pa.
"Ayun biglang namatay iyong ilaw. Nasa kusina kami noon, biglang may mga pumasok na lalaki. Pinaluhod kami. Wala akong alam noon Mommy, hindi ko din alam kung paano nagkaroon ng shabu sa bulsa ko." Kwento niya.
"Bago ka nakulong, anong buhay meron ka?" Nagkwento na lang din siya kaya nag-usisa na din ako.
"Okay lang ba sayo mommy na may bf kang ex-convict?" Tumango ako.
"Tapos na iyon Daddy, kaya okay lang. Basta sa sunod maging maingat ka na lang sa mga kinkaibigan mo." Paalala ko sa kanya.
"Salamat mommy, Huwag mo ako ipagpapalit sa iba ah." Kumunot ang aking noo.
"Bakit naman kita ipagpapalit?" Curious kong tanong.
"Wala naman. Nasabi ko lang." Hindi ko na siya pinilit pang magkwento.
"Daddy tulog na ako ha, may trabaho pa ako bukas." Paalam ko sa kanya.
"Tulog ka na mommy, papanoorin kita." At iyon nga ang ginawa ko. Sa susunod ko nalang aalamin ang ibang mga bagay sa buhay niya. Iyon ang nasa utak ko bago ako tuluyang panawan ng ulirat.
-------
"Good morning sa napakaganda kong girlfriend." Bati sa akin ni Jiroh pagkagising ko.
"Good morning din Daddy."
"Bangon ka na, huwag mo kalimutang magbreakfast para may lakas ka bago magtrabaho."
"Ang sweet naman, Opo daddy." Ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis-tamis.
"Nandito pa ako sa school mommy, tatawag nalang ako saiyo mamaya. I love you. Ingat ka sa maghapon."
"Sige daddy, mag-iingat ka din at magbehave ka ah. I love you too daddy."
"Behave naman ako mommy ah." Busangot niya.
"Oo na, behave ka na. Sige, patayin mo na daddy baka mapagalitan ka pa ng teacher mo." Kasalukuyan siyang nag-aaral ng BSHRM kaya pagdating ng araw hati ang oras niya. Sa gabi lang kami madalas maglandian.
Habang nagbbreakfast ay naisipan kong magstalk sa f*******: account niya. What the! SINGLE ang status niya? Di man lang ba niya pinalitan na in a relationship na siya?
Nagscroll down din ako sa mga posts niya. Wala naman akong nakitang iba maliban nalang sa isang picture ng babae, may iba pa siyang kasama. Sino kaya siya? Curiosity ang nagtulak sa aking alamin kung ano ang meron sila.
Nagkalkal din ako sa mga comments na meron iyong babaeng iyon.1 year at 2 years ago na to ah, ano kaya niya to?
Inadd friend ko din mga kaapilyedo niya pati na ang mga kapatid at mama niya. Nagkalkal pa ako sa mga posts hanggang sa makita ko ang picture nilang dalawa na ang si-sweet. Nakaramdam ako ng selos. Ex niya siguro to, wow ah, single ang status niya tapos di pa niya binubura mga pictures ng babaeng yun.
Minabuti kong wag nalang muna siyang komprontahin baka sasabihin din niya sa akin. Pagdating ng hapon nila sa Pilipinas ay nagmessage ito sa akin.
"Hello mommy good afternoon. Kumusta ang araw mo."
"Okay lang naman Daddy. Ikaw kumusta ang klase mo."
"Ayos lang mommy, ay siya nga pala mommy bukas may activity kami baka di ako makapagmessage saiyo." Dahil relatives namin ang isa sa professor niya sa pinapasukan niyang paaralan ay tinanong ko ito. Sabi nga meron daw kaya kampante na ako. Ewan ko kung bakit nakaramdam ako ng kakaiba nong nakita ko iyong picture nung babaeng iyon sa account niya.
"Dy,"
"Yes mommy,"
"Pwede ko ba mahingi password at email mo sa sss?" Nanahimik muna ito bago nagsalita.
"Bakit mommy?" Tanong niya.
"Di ba ganun naman talaga kapag mag bf at gf?" Sagot ko naman agad.
"Mommy, may tiwala ka ba sa akin?"
"Meron naman daddy." Halatang ayaw niya kaya di ko na ipinilit pa ang gusto ko.
"Daddy bakit pala di mo pa pinapalitan status mo?"
"Hindi ko pa kasi maharap mommy, papalitan ko din naman yan." Hindi nalang ako umimik. Panay pa ito kwento sa akin, tango nalang ko ng tango.
"Mommy alam mo may naging girlfriend akong ofw din." Doon ako nagkainteres makinig.
"Nasaan na iyon?" Tanong ko.
"Nasa Qatar pa din."
"Bakit kayo naghiwalay?"
"Niloko niya ako."
"Bakit ka niya niloko?"
"Nakakulong kasi ako non, umaasa akong paglabas ko nandiyan pa din siya pero iniwan na pala niya ako." Nainis ako sa babaeng iyon.
"Nakulong ka lang iniwan ka na niya?"
"Hindi ko akalain na ipagpapalit niya ako. Di ko naman na siya mahal, naalala ko lang." Nawala ang agam-agam ko.
"Baka naman panakip butas mo lang ako." Wika ko pa sa kanya.
"Hindi naman mommy ah, mahal kita at di ka panakip butas lang. Di ako ganon." Eto na naman sya.Kinikilig ako.
"Pero minahal mo siya."
"Noon mommy, sobrang minahal ko siya. Pero manloloko siya." Nakita ko ang galit at sakit sa kaniyang mga mata. Kaya alam ko may pagtingin pa din sya sa babaeng iyon.
"Siya ba iyong kasama mo sa mga pictures na posts sa sss mo." Hindi iyon tanong kundi sure ako.
"Oo mommy,"
"Bakit di mo pa binubura daddy, baka pinagloloko mo lang ako ah." Naiinis ako sa babaeng iyon pero may part na gusto ko siyang makilala.
"Mommy, wala na kami non. Buburahin ko din naman lahat kapag nagkaoras ako. Ngayon kasi full load ako. " Di nga nagtagal ay binura din naman niya ito. Nakaramdam ako ng saya dahil alam ko na seryoso siya sa akin.
Ang tiwala ko sa kanya ay walang kasing tindi, ganun na din ang pagmamahal ko. Una palang nasabi ko sa sarili ko na siya na talaga. I feel special everytime na ipinaparamdam niya ang pagmamahal niya.