THE UNLUCKY LUCK

2963 Words
2-THE UNLUCKY LUCK     KIRRA   Tandaan mo Kirra, may sakit ka. This is now or never. Give your best shot.     *TOK TOK   “Kirra, magaalas syete na bumangon ka na dyan!” Kalmado pa si nanay.     “Ahhhhhhhhh!! Aray!!! Aray!!!!! Ang sakit ng tyan ko!! Mamamatay na ata ako!! Ahhh!! Nay tulong!!!” Nakahawak ako sa tyan ko at paikot ikot sa higaan. “Nay, dalhin nyo na ako sa ospital!!! Ahhhhh!!!” Biglang may tumamang tsinelas sa ulo ko. “Aray!”     “Huwag mo nga akong artihan dyan! Bumangon ka na!!” Ayan hindi na sya kalmado kaya naman tumayo na ako. Pero consistent pa rin ang acting ko syempre.     “Pero nay sobrang sakit talaga. Hindi ko po kayang pumasok.” Dumapa ulit ako sa kamay nang pukpukin nya ako ng walis sa ulo. Ang sweet ng nanay ko di ba?     “Hoy babae ka tigil tigilan mo ko. Hindi ka naman pumasok kahapon!!! Umuwi ako nung hapon natutulog ka lang dyan!! Pangalawang araw mo palang liliban ka na!! Bumangon ka na at maligo!!” Lumabas na sya ng kwarto. “At bakit ang baho nung mga isinuot mo kahapon?!!”     Hinawakan ko sya sa kamay. “Nay, ayoko na pong bumalik dun sa school na yun. Mga halimaw po ang tao dun. Hindi po sila mga tao. Hindi po ako bagay dun nay. Ibalik nyo na lang po ako sa probinsya.” Pagmamakaawa ko sa kanya.     Umupo si nanay sa tabihan ko at malungkot ang mukha nya. ALam nya ang nararamdaman ko at alam nya kung anong makakabuti sa’kin. “Ikaw bata ka!!” bigla nya akong piningot. “Ang mahal ng paunang bayad dun tapos di ka lang papasok!!!!!!!!”     “Aray! Sige po na po!! Oo na!!” tumayo ako.     “Papasok ka na?!!” tanong nya.     “Hindi po!! Magtatrabaho ako para mabayaran ko yung ibinayad nyo dun sa school!!!” Sagot ko sa kanya at hagilap na naman nya ang walis kaya mabilis naman akong pumasok sa banyo para maligo. “Inay, inay ko po!!” Kumakanta ako habang naliligo. “Kay sakit po ng ginawa mo. Inaayyyyyyyy!” Sa mga di makarelate sa kanta ko congratulations dahil di nyo na yun naabutan. Ibig sabihin bata pa kayo. Oh eh di ako na ang matanda.     Pagkatapos kong maligo ay nagdiretso na ako sa kwarto para magbihis pero narinig kong parang may pinagtatalunan sina tatay at nanay kaya medyo iniwan kong nakabukas ang pinto ng kwarto. Alam nyo naman ang bahay namin, isang lakad lang kusina na kaagad, isang lakad lang ulit sala na s***h higaan ng mga magulang ko.     “Sobrang mahal naman nyang mga gamot mo. Meron namang generic yan ah.” Narinig kong sabi ni nanay.     “Meron nga kaso masyadong marami ang nireseta sa’kin.” Sagot ni tatay. Ang totoo nakarating na kami dito sa city hindi ko pa rin nalalaman kung ano ba talagang sakit ng tatay ko.     “O eh ano ng gagawin natin? Nagtitinda na lang ako ng banana Q at palamig at naglalaba da para sa pang-araw-araw natin. Tapos yung pinagbentahan ng bahay mauubos lang sa pagpapagamot mo!! Paano na ang pagaaral ng anak mo?!! Iisa isa na lang yan hindi pa natin mabuhay!!!” ayan galit na si nanay. Kapag nagagalit pa mandin yun walang magawa ang itay.     “O eh ano din gusto mong gawin mo? Hayaan ko na lang ang sarili kong mamatay para may pera pa kayo ni Kira?” aba lumalaban ang tatay ko ngayon ah. Matapang na.     “Mabuti pa nga! Tutal yang sakit mo sa kamatayan din naman mauuwi! Wala ka namang ipamamana sa’min dahil naibenta na natin lahat!” oha ang praktikal ng nanay ko di ba? “Isipin mo naman ang pagaaral ng anak mo.”     “Ito namang asawa ko hindi na mabiro. Syempre naman ayoko pang mamamatay. Sino na lang ang magaalaga at maglalambing sa’yo kapag nawala ako. Wala ng aano sa’yo sige.” At biglang nagtawanan ang dalawa. Hala, nay tay, baka rated SPG yan wag nyo ng idetalye pa. Nakakadiri. “Tsaka nakausap ko yung dati kong kasamahan sa trabaho. Naku sobrang bait. May ibinigay sa’kin.”     At tumahimik bigla. Wala ng nagsasalita. Teka, baka may iba ng ginagawa ‘tong mag-asawa na ‘to ah. Isasara ko na sana ang pintuan pero nagsalita ulit si nanay. “So hindi na natin talaga mapagaaral si Kira?”     “Talaga po!!” Bigla akong napasabad sa usapan nila. “Sorry, medyo narinig ko lang kasi yung pangalan ko.” Ngumiti ako at lumapit sa kanila. “Nay, tay okay lang po. Kahit magtrabaho na lang muna ako ngayon tsaka na ako magaaral.” Syempre kailangan ko silang makumbinsi kasi ayoko ng bumalik sa school na yun. “Kung gusto nyo po babayaran ko na lang po sa inyo yung nagastos nyo sa eskwela ko.”     “Pasensya ka na talaga anak kung hindi namin kayang sustentuhan ang pagaaral mo ha. Magandang eskwelahan naman yung pinaenrollan namin sa’yo kaya lang kung sasabay ang tatay mo sa gastusin na nakakahiya naman sa kanya kasi isinusumbat nya na pinagtrabahuhan naman nya ang nakatabi nating pero eh hindi talaga kakayanin.” Kinuha ng nanay ko ang kamay ko at awang awa sya sa’kin.     “Wala po yun nanay. Bilang anak gusto ko pong makatulong sa inyo. Naiintindihan ko po.” Gusto kong magtatumbling sa saya kasi naman hindi na ako babalik sa school na yun. Sobrang saya ko. Ayoko sa ganung school puro pauso ang mga tao. Mga walang puso! Panget at bulok na school!     “Salamat anak.” May iniabot syang papel sa’kin. “O ayan, para sa’yo.” Halos maiyak ako sa nanay ko kasi naman hikaos na kami nakuha nya pa akong bigyan ng kung ano man itong nasa loob ng brown envelope.     “Ano po ito?” binuksan ko. “Scholarship application?”     “Abay oo! Hindi ka namin kayang pagaralin ngayon kaya pagaralin mo muna ang sarili mo. Matalino ka kaya gamitin mo yang talino mo!” Nagsimula na syang magligpit ng pinaghigaan nila ni tatay.     “Pero nay! Akala ko ho ba titigil na ako? Akala ko ba magtatrabaho na ako!!” Hinarang ko sya pero itinulak nya lang ako.     “Aba’t sino bang nagsabing titigil ka ha? Hindi ka lang namin mapagaaral ngayon kasi nga pinapagamot natin ang tatay mo. Asikasuhin mo na yang scholarship na yan. Pasalamat ka nga’t maraming kakilala ‘tong tatay mo dito sa syudad!! Bilisan mo at ipapadala na din natin yan sa kanya.” Kinalma ko ang sarili ko. Okay lang naman na kumuha ako ng scholarship. Ibig sabihin kapag nakapasa ako dun pwede na akong mamili ng school na papasukan ko. Ibig sabihin, hindi ko na kailangang bumalik sa BSU.     Napapangiti ako na para akong isang baliw. “Sige po nay. Aasikasuhin ko na poi to.” Ang kutitap ng mga mata ko ay walang katumbas. Hindi ako papasok ngayon kasi wala pa akong school at inaasikaso pa ni tatay ang application ko. Ang saya-saya lang talaga. Sana sa magandang school ako mapunta. Yung maraming mababait. Yung kabaligtaran nung BSU. Ayoko sa merong three idiots.     Dito sa city nagta-trabaho si tatay dati bilang construction worker at halos sobrang bihira syang umuwi. Pero kapag umuwi sya ang laki naman ng perang dala nya. Minsan nga may mga dala pa syang mga gamit panggawa ng bahay. Yung bahay namin kaya gumanda yun dahil sa mga uwi ni tatay.     Nandyan na ang palaka! Maraming palaka! Mukhang palaka! Sya na yun! Sya na yun!     Oooops! May tumatawag! Ang ganda ng ringtone ko no? Unique yan.     “Kaia!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” Sinagot ko ang phone.     [Sumagot sya. Game.] Narinig ko ang ugong ng hangin sa background. [We miss you Kira!!!] sabay sabay nilang sabi.     “Uhhhhhhhhhhhhhhhhh!! Ang sweet! Miss ko na din kayo!!” Humiga ako sa kwarto ko.     [Kira si Remi na ang cheer leader ngayon.] – Mireya     “What? Congrats Remi! Sabi ko na ikaw ang papalit sa’kin. Tiwala na ako na mananalo tayo ulit.”     [Thanks, Kira. Nakapag-audition ka na ba sa cheer dance sa new school mo?] – Remi     Bigla kong naalala ang malupit na sinapit ko kahapon at napaupo ako. “Sisters, gusto ko ng umuwi. Puro halimaw ang nakatira dito sa city.”     [Makakapagadjust ka din. Isipin mo na lang ang mga magulang mo.] – Kaia     “Sila ba inisip nila ako? Sisters, alam nyo bang may three idiots dun sa school na pinapasukan ko. Wala silang puso! Puro balun balunan lang!!! Ang babaho ng mga itlog nila.”     [Oh my gosh may karanasan na sya.] sabay sabay nilang sabi.     “Huh anong karanasan?” naguguluhan kong tanong.     [Anong kulay ng itlog nila?] – Kaia     “Uhmm may maitim, merong medyo mapula pa. Basta mababaho lang.”     [Oh my gosh, sister! Maraming itlog ang nakita mo? Kaninong itlog ba yun? Gwapo ba sila? Sana pinicturan mo man lang. Gusto ko yung medyo mapula.] -Remi     “Itlog na pula gusto mo!! Ano ba kasing itlog ang sinasabi nyo dyan!!!”     [Huh? Eh ano bang itlog ang sinasabi mo?] at nagtawanan sila.     “Sisters, shut up okay!! Ibang itlog ang sinasabi ko!!!” Kumukulo ang dugo ko sa mga ‘to. Nandun na ako sa momentum eh bigla akong papasukan ng green! “They tortured me! Itinali nila ako tapos pinagtulungan nila ako.” Bigla akong dumapa sa kama. “But you know me, I don’t quit easily! Sinugod ko yung three idiots. Kahit malalaki ang katawan nila di sila uubra sa’kin.”     [Sister, lalaki ba?] – Mireya   [Three sila?  Ahhhh tigi-tigisa tayo!!] – Remi     [Gwapo ba? Mabango? Yummy?]-Kaia     [Sira, mabaho nga daw ang itlog.] – Remi     [Okay lang, nahuhugasan naman yun.]     “Hello!! Kayo na lang kaya ang magkwentuhan!!” I rolled my eyes kahit hindi nila nakikita.     [Sorry!] sabay sabay nilang sabi.     [So pumasok ka ba ngayon?] – Kaia     “Nope. Hindi na ako papasok dun thank God. Pinakuha kasi ako ng scholarship nila nanay. Mamaya pagdating ni tatay malalaman ko na kung saan ako papasok. Excited na ako. Pero syempre mas gusto ko pa rin dyan kasi nandyan kayo.” Malungkot kong sabi.     [Don’t worry sister, makakahanap ka rin ng makakasama dyan. Magiging okay din ang lahat.] – Mireya     “Sana nga kasi nakakabingi ang ingay dito. Tsaka sobrang init ha. Hindi naman summer pero sobrang init. Walang kapuno-puno.”     [Ay sana pala dinala mo yung puno nyo ng santol sa labas para may puno dyan.] – Remi     “Ewan sa’yo.” Nakaamoy ako ng nasusunog. “Naku yung sinaing ko sunog na.” Mabilis akong bumangon at nagpunta ng kusina.     [Sister, papasok na kami ha. Kinamusta ka lang namin. Basta keep in touch always.] – Kaia     [Tsaka sister kung gwapo yung three idiots sa’min na lang tatlo ha tutal wala ka namang hilig sa lalaki.]-Remi     “Hindi! Hindi sila bagay sa beauty nyo!”     [Wag mo na lang intindihin ‘tong mga ‘to Kirra. Basta mag iingat ka dyan lagi, uso pa mandin ang r**e dyan.] – Mireya     Bigla ko tuloy naalala yung bag ko na nasnatch. Mabuti na lang pala talaga naiwan ko ‘tong cellphone ko na nakacharge at hindi ko nadala pagpasok kung hindi naku. “Sige na, magiingat din kayo ha. I miss you!”     [Bye Kirra! We love you!!!] sabay sabay nilang sabi.     Naglinis ako ng bahay at nagluto at sobrang pawis na pawis na ako. Ang dami kong nabuburn na fats dito kahit wala naman akong fats.     Pagkatapos ko ulit maligo at kumain natulog na lang ako.     ******************     “Kirra, bangon na dyan!!!”     “May dala kaming pagkain.”     “Kirra ano ba!!!”     “May maganda kaming balita anak!!”     Gising na naman ako pero alam mo yung antok pa rin.     “Sinabi na ngang bumangon ka na!”     *DUG     Kanina lang unan ang kalips to lips ko ngayon semento na. Hilahin ka ba naman ng nanay mo sa paa hanggang bumagsak ka sa sahig. Sobrang sweet talaga nito. “Gising na naman ako!!!” Lumabas ako ng kwarto na gulo-gulo pa ang buhok. “Wow ang daming pagkain. Ano pong meron?” Kumurot ako sa roasted chicken. “Akala ko po ba wala na tayong pera?” Umupo ako habang naghahanda si nanay.     “Oo nga. Pero may maganda kasing balita.” Iniabot ni tatay ang brown envelope. “May pera na dyan sa loob. Allowance po sa buong buwan.”     Tumingin ako sa kanya at binuksan ko ang sobra. “Scholarship grant?!!”     “Oo anak nakapasa ka. Humanga sa’yo yung mga nandun. Ang tataas daw ng grado mo!!” Nagsimula ng kumain si tatay habang pinagmamasdan ko ang scholarship grant. “Nandyan na daw yung ipapakita mo sa eskwela mo.”     Hinalungkat ko ang buong envelope. “Nasaan po ang school application form ko? Grant lang po ‘to tay. Saan po ang pagpipilian kong school?” Nagkatinginan sina itay at inay.     “Naku anak, kasi simula na daw ng klase. Kung may eskwela ka na naman daw ituloy mo na lang. Sinabi naman namin na pipili ka ng eskwela pero nung nalaman na sa BSU ka napasok aba magandang eskwela daw yun. Ang maganda dun anak, ibinalik nila yung ibinayad namin ng nanay po kasi nga 100% scholar ka tapos binigyan ka ng allowance.” Nagngitian ang mga magulang ko.     “Wag ka ng malungkot dyan! Papalitan na lang namin yung nawala mong mga gamit. Bumili na ako dyan ng bag. Magpasalamat ka na lang at may nakuha ka pang scholarship.” Sagot ng nanay ko. Yung pakiramdam na gusto ko na lang mamatay ngayon. Yung pagtulog ko hindi na ako magising.     “Nay, tay, kasi alam nyo po – ”     “TUMIGIL KA NA!! WAG MO NG IPAGPILITAN YANG GUSTO MO!!!” sigaw ni nanay sa’kin at para akong mabait na tuta na wala na lang nagawa.     Tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto ko. “ANO AALIS KA? HINDI KA KAKAIN? MAGPAPAKAGUTOM KA! MAGMUMUKMOK KA HANGGANG MAMATAY KA HA!!! BAKIT HINDI KA NA LANG MAGBITI PARA TAPOS NA LAHAT!!”     “Itatabi ko lang ‘to nay. Masyado ka dyan! Sayang ang lahi ko kung magpapakamatay ako.” Pumasok ako sa loob at itinabi ang scholarship grant.     Kumain kami ng tahimik dahil masama talaga ang loob ko. Hindi ko sila kinakausap dahil sobrang sama ng loob ko. Binilhan nila ang ng mga bagong gamit dahil nga nawala lahat ng dala ko kahapon at ang baho naman ng mga naiwan.     Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay lumabas ako at umupo sa harapan. Nakatingin lang ako sa mga bituin. Ibang iba ang kalangitan dito sa syudad. Konting bituin lang ang makikita dahil maliwanag.     “Masama pa rin ba ang loob mo anak?” Lumabas si tay at tumabi sa’kin. Hindi ko sya sinagot. “Pasensya na anak kung hindi namin natutupad ang mga ipinangako namin sa’yo dati. Pasensya na kung napalayo ka sa buhay na kinasanayan mo at mga taong mahalaga sa’yo.” Narinig kong naiyak si tatay. “Kung hindi dahil sa cancer ko hindi naman ‘to mangyayari.” At suminghot na sya ng suminghot.     “Tay, wag ka ng umiyak – ” pagharap ko sa kanya nakita kong naghihiwa sya ng sibuyas, “ – nagtaka pa ako.”     “Nakakaiyak lang ‘tong sibuyas anak.” Pinahid nya ang mga luha nya tsaka itinabi ang mga sibuyas. Kung hindi ko lang talaga sya tatay baka itinakwil ko na ‘to. “Nadisgrasya kasi ‘tong braso ko nung naggagawa kami ng gusali. Gumaling naman sya hanggang sa sumakit ulit. Nung pinatingnan namin ng nanay mo nalamanan na daw yung buto at may mga bukol bukol na nagsisulputan. Sumasakit sya madalas kaya umiinom ako ng gamot. Pero ang makita kang nasasaktan, mas masakit anak. Kaya para hindi ka masaktan gagawin ko na lang ang makakaya ko.”     “Para makapagaral ulit ako sa probinsya?” tanong ko sa kanya.     “Hindi. Para lumaki ang baon mo. Para makapagipon ka.” -_- Asawa nga sya ng nanay ko. Parehong-pareho sila. “Yun lang ang kailangan kong gawin.” Niyakap ko na lang ang mga tuhod ko. “Pero anak, wag ka na lang magalit o magtampo kasi kapag nawala ako wala ka ng tatay.”     “Hindi naman po yun mangyayari.” Mahina kong sagot.     “Tandaan mo ang edukasyon ang tanging maipapaman namin sa’yo.” Sabi nya sa’kin.     “Malamang, naibenta nyo na kasi lahat.” Pilosopo kong sagot.     Hindi na nagsalita si tatay at hinalikan na lang ako sa ulo tsaka sya pumasok sa loob.     Anong oras na at gising pa rin ako. Maaga pa akong gigising bukas. Bahala na sa kung anong mangyayari. Wala naman akong magagawa.     Tumayo ako at pumasok sa loob makalipas ang ilang oras. Papasok na ako sa kwarto ng makarinig ako ng ungol.     Sumilip ako kina nanay at nakita ko si tatay na hawak hawak ang braso nya. Sa itsura nya halatang nasasaktan sya. Bigla naman akong napaluha at pumasok sa loob. Nagpapanggap syang malakas para sa’min ni nanay pero ang totoo nahihirapan na talaga sya. Habang ako ang tigas tigas pa rin ng ulo ko. Alam ko namang hindi ginusto ni tatay na maging ganito ang buhay namin. Kailangan nya lang ipakitang malakas sya kasi sya ang haligi ng tahanan.     Sorry po tatay. Pangako, magaaral po akong mabuti. Hindi po ako susuko. Hindi po ako magpapasindak. Lahat ng haharang sa landas ko may paglalagyan – kahit na yung three idiots pa yun.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD