23- I’m happy that’s all that matters! KIRRA Hindi ako mapakali sa desisyon na ginawa ko. Alam kong minsan sa buhay natin may pagkakataong magkakamali tayo sa desisyon natin. Kaya lang sa buhay ko wala pa akong naging tamang desisyon at sana ‘tong ginawa ko ngayon eh ang unang magiging tama. “Maraming salamat. Napakabuti nyo.” “Kung nakakayaman lang ang pagpapasalamat siguro kanina pa tayo mayaman. Yung walang sawang pagpapasalamat ng tao yung hindi mababayaran ng kahit ano. Masarap sa pakiramdam ang makatulog.” Sabi ko kay Finn na may ngiti sa aking mga labi. [So true! Sayang nga at hindi ka nakasama ngayon. Pero sana next time makasama ka na ha kung hindi aalisin kita sa org ko.] Pagbibiro nya from the other line. Napatawa naman ako panandalia

