17-JUST MAKE FUN WHEN WORRIED TOBY Napakagaling naman at nagbrownout talaga. Lakas ko din pala kay Lord. Hindi ko din kasi alam paano mageexplain sa Duwendeng ‘to kapag nagtanong sya. At bakit naman sya magtatanong? Feeling mo naman type ka nya! Hindi no! Kasi hamitera sya, usisera at chismosa! Wala naman akong pakialam kung hindi nya ako type! Maraming nagkakagusto sa’kin!! Pero type mo sya! “HINDI!!” “Ha? Okay! Sige! Hindi!” Narinig kong sagot nya. “Ha? May sinabi ka ba?” Hindi ko narinig kung may sinabi nga sya kasi naman bukod sa magulo kong utak eh ang lakas pa ng kulog, wala akong marinig. Weh? Dinig na dinig nga ang bilis ng t***k ng puso mo! Shut up utak!! Shut up!! “Sabi ko kung pwede

