19-HIS NOT SO BIG SECRET! KIRRA Sobrang weird ng mga nangyayari. Parang kailan lang sobrang simple ng buhay ko sa probinsya kasama ang mga friends ko tapos bigla kaming napadpad dito sa city. Nagkasakit pa si tatay tapos nakitira pa ako sa kaibigan nya. Tapos nakilala ko ang mga lalaking pinagkakaguluhan ng lahat pero kapag nakilala mo mga baliw naman. Tapos – tapos si – si boy shades, bakit parang habang tumatagal nagiiba yung tingin ko sa kanya. Parang crush ko na sya. Crush? Crush lang? Ano ka elementary? Wow kapag crush elementary lang? Pero kasi naman sino bang hindi magkakagusto sa kanya. Oo nakakainis sya pero kasi marami syang mga bagay na ginagawa na nagbibigay sa’kin ng reason para magustuhan sya kahit alam ko na malabo nya akong magustuhan. Hay, ano

