15-BITTER SWEET BITTER KIRRA “Anong nangyayari?” tanong ko kay Ipe at Wardo. “Bakit parang nagkakagulo?” “Mukhang alam na ni Finn na nawawala ka.” Sagot ni Wardo. “Huh? Hindi naman ako nawawala di ba? Pati paano nya malalaman? Wala nga akong signal dun sa room para nakapagpost man lang sana ako sa sss na I need help. Kaya lang 10 lang yung friends ko dun tapos lahat nasa probinsya pa.” Narinig kong napatawa na naman sila. Hawak pa rin nila yung lalaking pumasok sa kwarto. Pababa kami ng hagdanan ng maaninag ko ang isang panget na nilalang na kamukha ni Tobyngot. Ano naman ang gagawin nya dito? Teka – si boy singkit ba yun at si boy Briton? Bakit sila nandito? “Parang alam ko na kung paano nalaman ni Finn.” Sabi ni Ipe at nakatingin

