8-THE MAD ANNOYING SHADES KIRRA Maaga akong nagising pero may mas maaga pang nagising sa’kin dahil nakita ko mula sa bintana si boy shades na may kausap sa phone. Agang-aga telebabad. Siguro syota nya yang kausap nya. Kapag ibang tao napakabait nya. Pero pagdating sa’kin ang sungit sungit. Naglilihi lang ang peg. Bumangon ako at humarap sa salamin. Bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi. Nakakatakot talaga ang experience ko na yun pero naging maganda sya dahil kay boy shades. Isa rin pala syang super hero. Teka – bakit ako napapangiti? Duh Kirra tandaan mo hindi sya mabuting tao! Wag mong kalimutan ang mga ginawa nya sa’yo nung una nyong pagkikita! Eh may ginawa din naman ako sa kanya nung una naming pagkikita di ba? Tsaka isa pa iniligtas nya ako.

