10-BATTLE BETWEEN THE KINGS KIRRA Medyo kakaiba ang araw na ‘to compared nung mga nakaraan. Bakit? Kasi si tito Dio ang naghatid sa’kin sa school. Hindi kasi ako papasok kung si Tobyngot ang maghahatid sa’kin. Nakakainis kasi yung ugali nya. Minsan kakausapin ka nya. Minsan hindi. Minsan sweet sya. Minsan hindi. Ah mali pala, mas madalas hindi. Hindi ko sya matimpla. In short hindi pa rin kami nag-uusap ngayon. Well, kinakausap nya ako kahapon pero duh! As if kausapin ko sya. Ginagantihan ko lang sya no. Ilang beses din kaya nya akong hindi kinausap kaya manigas sya. Bahala sya sa buhay nya basta ako mag-aaral para sa ekonomiya! “Kirra!!” tawag ni Maya sa’kin. Mukhang excited sya. “Grabe Kirra ikaw na talaga ang pinakamaswerte sa lahat.” “Huh? Ano nam

