VANDROSS ALVUERO
Serenity Point of View
Pagkadating namin sa talkshow ay pinaderetso ako sa dressing room para maayusan. Naka sunod lang si d**k sa likod ko at nag babantay. Naka suot ito ng Blue Jacket. Parang hindi pang body guard ang ayos kasi kung titignan mo para lamang itong boyfriend ko.
Mag katabi kabi ni Ross na inaayusan. Para kasi sa movie na ilalabas ang interview kaya naman lagi kaming mag kasama.
Pumasok ang P.A niya na may dalang dalawang milktea. Binigay niya sa akin ang isa. Napatingin ako sa mirror na nasa harapan ko kung saan kitang kita si d**k.
Umarko ang kilay nito ng bigyan ako ng milktea ni Ross.
"Mag uumpisa na. Be ready" Announce ng staff.
Naka alalay sa akin si Ross pag tayo.
"Our guest for today, is none other than the sweetest loveteam. Please welcome, Vandross Alvuero and Serenity Guson"
"That's your cue" Tinuro ng staff ang pinto papasok sa talkshow.
Nanatiling naka alalay sa akin si Ross hangang sa makaupo kami. Nilagay niya pa ang kamay niya sa bewang ko dahilan para mas tumili ang mga manonood.
"Good morning sa inyong dalawa" Nakangiting bati ng host.
Puro about sa movie lang naman na ilalabas ang tinanong ng host.
Tinanggal ni Ross ang kamay niya sa bewang ko and he held my hand and intertwined it with his.
Mas lalong umingay ang mga audience ginagantihan ko lang sila ng pag ngiti at pag tawa.
"My last question for the both of you is.. Kayo na ba? Lahat ng tao inaabangan maging official ang VaNity" May halong pang aasar ang boses ng host.
"Soon" Nakangiting sagot ni Vandross.
Nag kibit balikat lang ako at hindi sumagot. Mas lalong umiingay ang mga nanonood.
Nang mag commercial ay nag pasalamat lang kaming dalawa sa mga audience at sa Host. Pagkatapos ng interview ay dumiretso kaming dalawa sa backstage.
Buti na lang at inayos na agad ng personal assistant ko ang lahat kaya wala na akong gagawin.
Wala na akong ibang schedule para sa araw na ito maliban lang sa pag gu- guest nga sa talkshow kaya naman nag babalak akong matulog ng buong araw para naman mabawi ang puyat ko.
Naka alalay lang si d**k hangang sa makapasok kami sa kotse. Hindi na sumabay si mommy Elaine dahil may aayusin pa daw ito kaya naman kaming dalawa lang ni d**k ang naiwan.
Tahimik lang siyang nag dri- drive. As if na gusto ko din siyang kausapin.
Pag dating sa condo ay naabutan ko pag bukas ang mga maleta. Pumasok ako sa condo ang dumiretso sa kusina. Binuksan ko ang ref para kumuha ng tubig. Pag balik ko sa sala, hawak hawak ni d**k ang mga maleta.
So kanya pala yun?
Umarko ang kilay ko sa kanya.
"As your body guard, kailangan kong tumira kasama ka"
Nag nod lang ako sa kanya saka pumasok sa kwarto ko.
Pagkatapos ko mag linis ng katawan lumabas ako para kumuha ng cereal. Naabutan kong nag luluto si d**k at amoy na amoy ang niluluto niya.
Wala itong suot na damit at tanging apron lang ang nag sisilbing pang takip sa katawan niya.
Lumapit ako sa kanya para yakapin siya mula sa likod. Take two.
Lumapit ako sa kanya para kumuha ng cereal.
"Yan lang ang kakainin mo?" Naka taas kilay nitong tanong.
"I'm on diet"
Pero natatakam ako sa niluto niya kaya naman sumunod ako sa kanya papuntang dining table.
Hinubad niya ang apron na suot niya kaya napaiwas ako ng tingin.
Binalik ko ang cereal na kinuha ko at pinalitan ng pinggan.
Sunod akong umupo sa tapat niya. Naka gray t-shirt na ito ngayon.
"Akala ko diet ka?" Pang aasar na tanong niya. Tinarayan ko lang siya at kumuha na ng niluto niya.
Nakatingin lang siya sa akin inaabangan kung magugustuhan ko ba ang niluto niya.
Ang sarap pwede ng ayain ako mag pakasal.
"Pwede na" Ayokong sabihing masarap bumilib pa lalo siya sa sarili niya.
Kumuha narin siya ng kanin at nag sandok ng ulam.
"Congrats pala" I know na medyo late ng batiin siya pero ngayon lang naman kami ulit nag kita, ngayon lang nagkaroon ng pag kakataon. "A civil engineering huh?"
Nabalitaan ko rin nag take siya ng board exam at he's a licensed Engineer now.
"Salamat Ms. Taray. Congrats din sayo, Best Actress in Famas Award noice"
Last year ng makuha ko ang Best Actress sa ginampanan ko bilang anak ng ofw. Umani din ng ilang parangal ang movie na yun at nag trending pa ng ilang beses sa twitter dahil naantig ang puso ng mga manonood.
Puro good feedback din ang comments ng netizens at natuwa sa kinalabasan ng pelikula.
"Sobrang ingay ng love team niyo ni gross"
"It's Ross—Vandross" Pag co- correct ko sa kanya.
"Tch di kayo bagay" Bulong nito pero rinig na rinig ko naman.
"Ikaw, kumusta kayo ng babaeng mahal mo?" Ako naman ulit ang nag tanong.
"Awit friend zone" Sagot niya ng hindi tumitingin sa akin.
I don't know but I feel relieved sa sinagot niya.
"You have a new girl?" I asked.
Napahinto siya sa pagkain, iniisip ata kung sino ang tinutukoy ko.
"Siya lang"