Chapter 15

792 Words
ACCIDENT   Serenity Point of View   He likes me? Wala naman siyang sinabi pero ganun ang pagkakaintindi ko sa tanong niya.   How about Zhoey?   Argh mas lalo lang niyang pinapagulo ang isip ko.   Matapos niyang mag tanong ay madali akong pumasok sa kwarto ko. Hindi naman sa iniiwasan ko siya pero gusto ko lang mag sink in muna sa akin ang lahat.   Tahimik kaming dalawa sa loob ng kotse. Papunta sa set. Hindi na siya muling nag salita siguro akala niya ay ayokong pag usapan ang tungkol sa bagay na iyun.   Hindi ba masyado pang maaga? Naputol ang pag iisip ko ng mag salita si brix.   "Sere ilagay mo to sa harap mo" Nag tataka ako sa kanya bakit may kinukuha siya sa backseat at pagkatapos makuha ay inabot niya sa akin ang unan at inutos na ilagay sa harap ko.   "Why?" Kunot noo kong tanong.   "Basta gawin mo na lang" Mas lalo akong naguluhan dahil hindi siya mapakali. Parang may mali.   Ang bilis ng t***k ng puso ko habang ginagawa ang utos niya. Nilagay ko ang unan sa harap ko kaya hindi ko na makita ang dinaraanan namin.   "Wag mong aalisin yan" Niliko niya ang kotse. Binaba ko ang unan at mas lalo akong kinabahan ng bumangga ang kotseng sinasakyan namin. Mabilis kong hinarang ang unan sa harap ko.   Sa sobrang lakas ng bangga namin ay nahilo ako pero may matigas na naka harang sa harap ko.   Nararamdaman ko ang pamamanhid ng katawan ko na para bang may kung anong naka tusok.   Dahan dahan akong umayos ng upo, hindi ko parin naiintindihan ang nangyayari pero ng tumingin ako kay brix ay nakaramdam ako ng sobrang kaba.   "d**k, gumising ka" Naiiyak ako damn it   Puro dugo ang noo niya. Hinawakan ko ang pulso niya to check if he's still breathing. Kahit paaano ay napanatag akong buhay pa siya.   Naiintindihan ko na kung bakit pilit niyang pinapalagay ang unan sa harap ko dahil alam niyang may mali.   Nanginginig ang kamay ko habang tinatawagan ang mga pulis at nag padala ng ambulansya. Sunod kong tinawagan si Ross. Sabi niya ay wag daw akong aalis kung nasan man ako kaya naman sinunod ko siya.   Hinawakan ko ang kamay ni Brix para kunan ng lakas. Lumapit ako sa kanya para yakapin siya. Gusto kong marinig yung pintig ng puso niya. Iyak lang ang ng iyak sa dibdib niya.   "I'm sorry kung dahil sa akin pati ikaw napahamak. Ako lang naman gusto nilang saktan pero pati ikaw nadadamay. Gusto kitang tanggalin bilang bodyguard ko para hindi ka na mapahamak pero mag papaka selfish ako kasi mas hindi kita kayang mawala"   "T-hen d-on't" Napaalis ako sa pagkakayakap kay Brix to check kung tama ngang siya ang narinig ko.   "Gising ka na" Mas lalo akong naiyak dahil may dugong tumulo sa mukha niya. Pinunasan ko yun para makakita siyang maayos. "Akala ko iiwan mo ako" I said, my voice cracked.   Nilapit niya ang kamay niya sa akin para punasan ang luha ko.   "I-m o-kay. A-re you hurt?" Nakakainis siya na nga tong mas mapuruhan pero ako parin ang inaalala niya.   *Police sounds x Ambulance sounds*   Sabay nilang dumating si Ross na tumakbo pa palapit sa akin para matignan ang lagay ko.   "I'm scared akala ko nawawala ka sa akin" Hindi ako makagalaw ng bigla niya akong yakapin. Kung hindi lang sinabing kailangan ko ding madala sa hospital ay hindi siya aalis sa pagkakayakap sa akin.   Nauna na si Brix. Dala dala ng ambulance dahil kailangang agapan yung sugat na natamo niya dahil sa aming dalawa ay mas siya ang grabe ang nakuhang pinsala.   Binabantayan ko ngayon sa private room si Brix. Mabuti na lang at hindi malala ang lagay niya. Matapos magamot ng mga sugat ko dahil sa bubog ay dumiretso ako dito para mabantayan si Brix.   Tinatawagan ko narin si mommy Elaine para kausapin ang Director dahil hindi ako natuloy kanina sa set para mag shooting. Nakarating naman siguro sa kanila ang balita.   Pagkatapos niyang makipag usap ay dederetso siya dito sa hospital para mag dala ng prutas. Babalik din mamaya si Ross para samahan akong mag bantay.   Kalat na kalat sa social media ang aksidenteng nangyari kanina. Ang bilis talaga kumalat ng balita pag dating sa social media.   Binuksan ko ang muna ang tv habang inaantay si mommy Elaine.   "Breaking news. Naaksidente ang sikat na actress na si Serenity Guson kasama ang kanyang Bodyguard. Papunta sila sa shooting ng mangyari ang aksidente. Base sa imbestigasyon ng mga pulis ay sira ang break ng kotse ng actress. Sinusubukan pang kunan ng pahayag ang actress tungkol sa insedente. Iniimbestigahan naman na ng mga pulisya kung ano nga ba ang totong nangyari."   Sira ang break? Kaya ba hindi mapakali si Brix dahil alam niyang sira yung break? Kaya ba kami bumangga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD