Montana Farm Nag ipon ipon na naman ang pamilya Montana. At syempre sabit ako dahil pamilya na din nila ako. Bisperas ng binyag ni Dannz ngayon. Pero dahil excited kaming lahat, ngayon palang ay halos kumpleto na kami. Present ang Montana family, walang absent. Si Allesa lang naman ang laging wala noon ayon sa nobyo ko. Dahil palagi itong nasa ibang bansa para sa mga projects nito. Masaya lang ang lahat dahil wala itong tinanggap na project ngayong buwan. Mukhang napagod na ito sa kaka travel. At naisipan namang tumigil ng Pilipinas. Maging ang mga kaibigan ni David na sina Zeus at Xander ay nandito din. Invited din ito ni Kuya Drake at Zerra. At hindi naman pahuhuli ang mga bestfriend ni Zerra na sina Ara at Ell. Kanina pa din dumating ang dalawang babae. Kasama ni Ell ang asawa a

