DAVID ANTHONY POV DALAWANG araw mula ng mangyari ang tila bangungot na iyon sa buhay ko, naming lahat. Dalawang araw na pero wala pa ring malay si Alexa. Punong-puno ng pagsisisi ang puso ko sa mga oras na ito, pero kahit patayin ko ang sarili ko wala na ring silbi. Nagawa ko na ang bagay na hindi ko dapat ginawa. Dalawang araw pa lamang, pero halos hindi ko na makilala ang sarili ko, simula kasi ng ma-admit si Alexa ay wala pa akong tulog o pahinga man lang. Lagi lang akong nakatanaw, yes nakatanaw dahil hindi ko magawang makalapit kahit sa pinto lang ng ICU. Pinagbawalan ako ni Josh at para matiyak na hindi ako makakalapit kumuha pa ito ng dalawang security. Sa ilang beses na pagtatangkang makalapit ay puro bugbog ang inabot ko, na okay lang dahil alam ko kung saan siya kumukuha ng

