ALEXA POV Dumating na ang araw na pinakahihintay ko, pero sa halip na masaya ay sobrang lungkot ng nararamdaman ko. Matapos kasi ang eksena sa restaurant ni Kuya Drake ay hindi pa kami nagkakaayos ni David. Nang iniwan kasi ako nito sa restaurant ay hindi ko alam kung saan ito pumunta. Ang akala ko kasi ay umuwi na siya sa condo, pero wala pala siya ro'n. Hinatid ako no'n ni Kuya Mike dahil wala na akong masasakyan. Salamat na lang talaga sa pagmamagandang loob nito dahil nag-suggest itong ihatid ako pauwi. Hindi ko kayang umuwing mag-isa ng araw na iyon dahil sobrang sama ng pakiramdam ko. Hindi ko matanggap na ipapahiya ako ni David, pero dahil mahal ko siya, mas pinili ko na lang na unawain siya. Siguro pagod lang siya sa flight niya at sa trabaho niya sa kumpanya ng Daddy nila.

