Matapos makapag pahupa ng galit si Allison ay ito na naman. Galit na naman siya sa akin. At nahihilo na ako sa pabago bago ng mood niya. Kanina okay na kami. Kanina ayos na, naiintindihan na daw niya ako. Tapos ngayon ito na naman. Galit na naman ang babaeng ito. Ano ito? Pinag pahinga lang niya ako? Tapos babanatan na naman ako? Naiintindihan daw niya ako. Pero panay na naman ng sermon nito. At mas matindi na ang galit niya sa akin ngayon. Nakakapikon na ito sa pabago bago ng mood. Daig pa nito ang buntis. At nakakainis na promise. " Sasama ka sa akin bukas Alex! Mariin nitong sabi. " Saan? " Hospital. " Anong gagawin ko dun? Tanong ko. " Ipapa cremate kita gusto mo?!. Asik nito. Nanghaba naman ang nguso ko sa sinabi nito. Napaka harsh naman ng babaeng ito. " Buhay pa ako gus

