Soriya's POV Nahihirapan akong maglakad habang papasok na ako sa inuupuhan kong apartment. Pagkatapos kong kumain ng hapunan sa bahay ni Spade, hindi na ako pumayag na don pa magpalipas ng gabi sa bahay niya. Sa tuwing maalala ko ang mukha ni Spade habang sinasabi niya sa'kin na don na lang daw ako magpalipas ng gabi sa kanila, hindi ko maiwasang mapairap dahil alam ko naman kung ano ang kahihinatnan ko don kung don ako matutulog ngayon. Papagurin niya lang ako. And so, Spade had no choice but to let me spend the night in my place. Hindi ko rin ito hinayaan samahan ako rito dahil sa kaparehong rason. Sapat ng naisuko ko na ang bataan sa kanya ngayong araw. I know this is really getting out of hand, but the moment I let Spade became my man is the same time I let myself surrender

