"GUMISING ka, Liliac..." Kumunot ang noo ni Lilac nang marinig ang pamilyar na boses ng batang babae sa isipan niya. Ilang taon na ba no'ng huling beses niyang narinig ang tinig na 'yon? "Nangyari na ang nakita kong mga pangitain noon," pagpapatuloy ng batang babae na may malamyos na boses. Para bang napakatalino nito para sa edad nito. Ngayon niya lang naisip na parang hindi tumatanda ang bata. "Kaunting oras na lang, mawawasak mo na ang proteksyong iniligay ko sa isipan mo kung saan nakatago ang mga alaala ng walong taon nating pagsasanay. Kailangan mong gampanan ang papel mo para sa muli kong pagbabalik dahil nagampanan na ng kakambal mong si Marigold ang kanya. Pero sa ngayon, kailangan mo munang gumising at tumakas mula kay Magnus Cadmus Stratton." Biglang nagmulat ng mga mata si L
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


